Dingdong at Marian naisingit ang continuation ng honeymoon sa kasal ng mga kaibigan

Patuloy pa rin ang honeymoon ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Last Saturday, magka­sama silang nag-attend ng wedding ng mga kaibigan nila. Ang groom ay isa sa groom’s men ni Dingdong noong kasal nila. Nag-overnight sila sa Movenpick Hotel in Mactan Island sa Cebu. Nice break daw nila iyon after a whole week na trabaho, bago sila bumalik sa Manila Sunday evening.

Vin suportado ng GF kahit nagpakita ng puwet

Suwerteng naimbita kami ni Noel Ferrer na manood ng stage play na Juego de Peligro (Dangerous Liaison) ng Tanghalang Pilipino sa Little Theater ng Cultural Center of the Philippines. Last performance iyon at 3:00 p.m. ng cast na binubuo nina Shamaine Centenera-Buencamino, Arnold Reyes, LJ Reyes, Vin Abrenica, at iba pang stage actors. Maraming celebrities na nanood, nakita namin sina Iza Calzado, ang mag-asawang Direk Erik Reyes and Rita Avila, mag-asawang Robert Seña at Isay Alvarez, at si National Artist Bien Lumbera. Nalaman namin na last Friday nanood si Aljur Abrenica kasama ang family niya to support Vin sa una nitong stage performance.

Hindi naman nanood si JC de Vera na nali-link kay LJ sa whole run ng show, kaya biniro namin siya na baka ayaw mapanood ni JC ang passionate kissing scene nila ni Arnold. Nanood naman sa isang performance si Sophie Albert, ang girlfriend ni Vin na may butt exposure at kissing scenes with Shamaine at Adrienne Gonzaga who played Vin’s sweetheart bilang si Cecilia. Twice naman daw nanood si Noni Buencamino at mga anak nila, ayon kay Shamaine, na napaiyak sa standing ovation na ibinigay sa kanila ng audience. Handa na raw ulit tumanggap ng isa pang stage play si LJ kahit pa medyo nahirapan siya dahil kasabay ng rehearsals at performances nila ang taping niya ng Yagit kaya binigyan siya ng ka-alternate sa katauhan ni Valerie Concepcion. Si Shamaine naman, dahil sanay na sa stage play, maaga pa raw ay nagpaalam na siyang may ginagawa siyang Kailan Ba Tama ang Mali? sa GMA-7 kaya naiiwasan nila ang schedule niya ng taping.

Miguel at Bianca ‘apektado’ ng serye ni Marian

Masaya ang buong cast ng Once Upon A Kiss led by the tween love team nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali dahil extended ang kanilang primetime show gabi-gabi after ng Pari Koy. Balitang kapag nagsimula na ang soap ni Marian Rivera-Dantes na The Rich Man’s Daughter, ang magiging telebabad schedule ay Pari Koy, Once Upon A Kiss at The Rich Man’s Daughter na papalit sa Second Chances.

Kaya naman may mga bagong characters na papasok sa soap na idinidirek ni Bb. Joyce Bernal.

Show comments