^

Pang Movies

Richard katinginan lang dati si Juday, ngayon katambal na

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Finally, nagkita na in person sina Richard Yap at Judy Ann Santos sa ginanap na presscon para sa kanilang teleserye entitled Someone to Watch Over Me. Excited silang magkakilanlan ng mabuti. Noon kasi kapag nagkikita man sila sa ABS-CBN, ay parang wala lang. Tinginan lang at kaunting smile dahil hindi sila personal na magkakilala.

Pero ngayon feel na feel ni Ser Chief na maganda ang pagsasamahan nilang proyekto ni Juday. Una, natupad na ang kanyang dream na makasama sa movie o TV ang reyna ng teleserye. Noon daw kasi sa pelikula lang at telebisyon niya lang napapanood ang kanyang hinahangaang aktres.

Of course nakilala si Richard bilang kapareha ni Jodi Sta. Maria sa Be Careful with My Heart na nagbigay kulay sa kanyang career. Si Juday naman ngayon ang susunod na leading lady niya, huh! Bigtime na talaga si Richard!

AiAi mang-aakit mamaya sa Star Awards for Movies

For the first time ay magsasayaw at hindi lang basta sayaw, but sexy dancing si AiAi delas Alas. Gagawin niya ito sa Star Awards for Movies 2015 ng PMPC mamaya sa Theater ng Solaire Resort and Casino.

Hindi na nag-isip pa ng matagal sa pagsagot ng “yes” ang comedy queen nang kausapin siya ni Tess Celestino Howard ng Airtime Marketing, Inc. na ‘di host ang role niya sa Star Awards Night kundi isang sexy dancer.

E, ‘di wow! Ang ganda ng legs niya at sobrang puti. Napaka-flawless at ang ganda rin ng kanyang katawan! Na-challenge si AiAi, kaya go lang siya! Tingnan natin kung sino ang tutulo ang laway!

Personal…

Belated Happy Birthday to Sen. Jinggoy Estrada! To Cavite Vice Gov. Jolo Revilla, God is good, and you are a good man, ‘di ka Niya pababayaan! Keri mo ‘yan, Vice Gov.! St. Padre Pio of Pietrelcina Capuchin will guide you! We pray, AMEN!

 

vuukle comment

AIRTIME MARKETING

BE CAREFUL

BELATED HAPPY BIRTHDAY

JINGGOY ESTRADA

JODI STA

JOLO REVILLA

JUDY ANN SANTOS

MY HEART

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with