^

Pang Movies

Kathryn hindi mapilit sa totoong relasyon nila ni Daniel

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Nasa cloud nine na naman ang tambalang Kathniel kung saan tumabo sa takilya ang kanilang pelikulang Crazy, Beautiful You na kumita ng mahigit P100 million sa unang limang araw sa pagpapalabas sa pelikula.

Kahit sinasabing si Kath ang Teen Queen ay ayaw pa rin nitong tanggapin at sinabing ayaw niyang makipagkumpetisyon kina Julia Montes, Janella Salvador, at Julia Barretto.

Kahit anong gawin ng mga host ng The Buzz noong Linggo na sina Kris Aquino, Toni Gonzaga, at Boy Abunda ay hindi nila mapaamin si Kathryn sa tunay na relasyon nila ni Daniel.

Basta’t sinasabi lang niya na espesyal sila sa isa’t isa.

Ayaw nitong sagutin kung ayaw ba siyang paligawan sa iba ng kapareha pero sabi ni Kath na si Daniel ang ayaw manligaw sa iba.

Alex malakas ang loob na mapupuno ang Araneta

Malakas ang loob ni Alex Gonzaga at handa siyang tumanggap ng anumang challenge. Biruin n’yo, ang lakas ng tiwala ng prodyuser na gawin sa Big Dome ang kanyang first major concert.

Hindi kaya kinakabahan si Alex na hindi nito kayang punuin ang Araneta Coliseum? Baka naman malalaking performers ang guests nito sa concert kaya tiyak na mapupuno rin ito ng mga tao. Kunsabagay, magaling namang sumayaw at magpatawa si Alex at konting ensayo pa ay maaasahan naman ito sa pagkanta.

Dalangin namin na huwag sana siyang magaya sa isang singer na naglakas-loob din na gawin ang first major concert sa Big Dome pero naging flopsina (flop). Hindi naman siguro papayag na ganoon din ang maging kahinatnan ng concert ni Alex, ’di ba Mommy Pinty?

Max tuluy-tuloy ang pagpapaka-daring

Si Max Collins ang magiging cover ng FHM Magazine sa buwang ito. Talagang nagpaka-daring na ng batang aktres. Na-realize niya siguro na malaking tulong sa kanyang career ang pagpapa-sexy. Si Max ang bida ng Kailan Ba Tama Ang Mali?

Hinangaan agad siya dahil magaling itong umarte at professional pa.

ALEX

ALEX GONZAGA

ARANETA COLISEUM

BEAUTIFUL YOU

BIG DOME

BOY ABUNDA

JANELLA SALVADOR

JULIA BARRETTO

JULIA MONTES

KAHIT

  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with