Marian ayaw magpaka-nega kina Karylle at Vice Ganda!

Napuno ng tilian ng  fans ang Trinoma Activity Center sa grand launch ng Bench ng apat na scents ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes last Saturday evening. Ayon sa ilang DongYan fans na nakausap namin, most of them, ngayon lamang muli nakita nang personal si Mrs. Dantes after ng wedding nito last December kay Dingdong Dantes at ang saya-saya nila dahil mas lalo raw gumanda ang actress.

Nagsimula ang launch sa pamamagitan ng isang Spanish dance number ni Ma­rian kasama ang ilan pang Bench models. Bulungan na hindi pa raw preggy si Marian dahil hataw pa rin ito sa pagsayaw in her high heels dancing shoes.

Nagpahinga sandali at nagpalit ng isa pang white dress si Marian bago nakipag­tsikahan sa host na si Sam Rodriguez, with matching games sa six contestants promo­ting the other three scents, ang Perfect Kiss, Perfect Love, at Perfect Moments.

Para kay Marian, ang perfect kiss daw niya ay iyong wedding kiss niya to the man she loves. Ang perfect love naman niya siyempre ay ang husband na si Dingdong Dantes. At ang perfect moment para sa kanyang ay iyong makita niya muli ang fans ngayon na hindi humihinto sa pagsuporta sa kanila ni Dingdong.

At ang inner beauty niya ay iyong pagiging very transparent at sinasagot lahat ng mga tanong sa kanya with matching na makatotohanang smile. Ikinonek naman ng fans na contestant sa mga kanta ang tatlong scents, ang Perfect Kiss sa Love Kita, Walang Iba, ang Perfect Love sa Kahit Maputi na ang Buhok Mo na naki-duet pa si Marian at ang Perfect Moment sa Looking Through the Eyes of Love na isinayaw niya ng Papa Fran niya noong wedding reception nila.

Sa mga aabangan kay Marian: “Ang nalalapit na pagsisimula ng bago kong soap na magsisimula kaming mag-taping sa second week of March, na ipakikita ko ang iba-ibang anggulo ng pag-ibig, yes, naiiba ang character na gagampanan ko, at patutunayan namin na hindi lamang mga beki ang dapat hangaan kundi ang tulad din sa role na gagampanan ko. Tuloy pa rin ang mga regional shows ko at ipadadala ako ng GMA Network sa April sa USA and Canada at may iba pang out of the country shows.”

Paano kung mabuntis na siya habang ginagawa ang bago niyang soap? “Hanggang kaya ko pang magtrabaho, mabait sa akin ang GMA at alam nila kung ano ang gagawin if ever maging preggy na ako.”

Hindi nalimutang itanong kay Marian ang sinabi ni Karylle Tatlonghari-Yuson sa It’s Showtime show nila sa pangu­ngulit ni Vice Ganda kung nagkaroon na siya ng double-timer na boyfriend at sa pag-amin niya, maraming nag-akalang si Dingdong iyon.

“Binanggit ba nila ang pangalan ni Dingdong, kung hindi naman wala akong sasabihin.  Pero kapag binanggit nila, doon na ako magri-react. Basta ngayon, masaya ako sa pagiging Mrs. Dantes na paggising ko sa umaga, ang gwapo ng katabi ko. Yes, ipinagluluto ko siya lagi ng breakfast lalo na kung may maaga siyang trabaho. Simple lamang naman ang asawa ko, basta may tinapay siya na isinasawsaw sa kape, ayos na ang almusal niya. Sino ang unang gumigising? Kung sino ang may trabahong maaga. Sa pag-alis going to work, “bye daddy” at “bye baby.”

After the launch nagkaroon pa ng autograph signing si Marian ng mga bottles ng scents ng Bench.

Show comments