^

Sinisingil na ng mga ginamit na steroids dating matinee idol may matinding Karamdaman, hindi na makilala sa sobrang kapayatan

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - February 20, 2015 - 12:00am

Kinumpirma ng aming source na may matinding pinagdaraanang karamdaman ang dating matinee idol na ito.

Sey pa ng aming source na grabe na raw ang hitsura ng dating macho at guwapong matinee idol. Hindi mo na raw siya makikilala dahil sa sobrang kapayatan nito.

Iyon na raw ang epekto ng sobrang paggamit nito ng steroids. Kung dati ay sobrang laki ng mga muscle niya, ngayon ay bagsak na raw ang katawan nito at isang taon na itong nagpapagamot.

Huling nakita ang former matinee idol sa isang showbiz event at dumating pa raw itong lasing na lasing.

Ang dahilan ng paglalasing niya ay sa galit nito sa isang male celebrity sa pang-aagaw daw nito ng mga projects na dapat ay para sa kanya.

“Pinangakuan pala siyang magbibida sa isang primetime teleserye. Natuwa siya dahil matagal siyang walang trabaho. Naghintay siya hanggang sa biglang nalaman niya na nag-taping na, pero hindi na siya kasama at ipinalit na sa kanya ‘yung paborito ngayon na aktor ng TV network.

“Kaya binalak niya yatang kumprontahin sa event ‘yung aktor pero pinauwi na lang siya dahil sa kalasingan nito,” sey pa ng source namin.

Ngayon ay wala na uling balita sa dating matinee idol at tila nagtatago na ito dahil sa karamdaman niya.

Ken Alfonso manhid na sa mga basher

Dedma na lang ang Kapuso hunk na si Ken Alfonso sa mga paratang tungkol sa kanyang sexual preference.

Simula noong mag-showbiz si Ken na dating isang pharmaceutical agent, marami siyang naging bashers sa social media. Kung anu-ano ang mga paratang sa kanya na labis na ikinasama ng loob ng aktor dahil kilala niya ang mga taong nangba-bash sa kanya.

“Dumating na sa point na ayaw ko nang ituloy ang showbiz.

 “Pero binigyan ako ng lakas ng loob ng Panginoon. Kung titigil ako, magiging quitter ako —lalabas na takot at may kinakatakutan ako.

“It’s better nga na masaktan ako na lumalaban kesa sa nasaktan ako tapos nagpatalo ako.

“Ngayon ay dedma na lang ako sa mga bash nila. Hindi ko na lang binabasa. Mas okey kung wala kang alam para walang stress,” sabay ngiti niya.

Busy nga si Ken ngayon dahil bukod sa kasama siya sa afternoon teleserye na Kailan Tama ang Mali?, regular din siyang nagpe-perform sa Sunday All Stars at may mga singing engagements siya.

Nitong last ay naghu-host na siya ng isang travel show titled Touchdown para sa GMA NewsTV.

Dakota Johnson nagnakaw ng mga underwear sa set ng Fifty Shades of Grey!

Certified box-office hit sa U.S. ang pelikulang Fifty Shades of Grey at naging instant star overnight ang bidang babae rito na si Dakota Johnson.

Si Dakota ay anak ng Hollywood actress na si Melanie Griffith at ng Miami Vice star na si Don Johnson.

Dahil isang movie star na si Dakota, halos lahat ng mga talk show ay gusto siyang gawing guest. At sunud-sunod din ang pagiging cover girl niya sa mga big-named magazines.

Nitong huli, na-feature si Dakota sa Glamour U.K., tinanong siya kung ano ang kinuha niya bilang souvenir mula sa set ng kanyang controversial sexy-drama film na Fifty Shades of Grey.

“I stole lots of the underwear—they were comfortable!” mabilis na sagot ni Dakota.

Sa tanong naman ng E! News, sinabi ni Dakota na ang pinakamahirap na eksenang ginawa niya with his leading man na si Jamie Dornan na siyang gumanap na Christian Grey ay ‘yung itinali siya sa isang S&M scene.

“One of the sex scenes is when all of Ana’s limbs are tied up, so all of my limbs were tied up. In situa­tions like that, your senses sort of get taken away and you don’t have all of your defense mechanisms, in a way.

“So it was difficult and just so exhausting because it’s not like it just happens once. Obviously, when you’re filming you do it over and over again, so that day was a little rough, but it turns out looking really, really extraordinary.”

AKO DAKOTA JOHNSON FIFTY SHADES OF GREY ISANG KEN ALFONSO NIYA SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with