Jake umaasa na may happy ending ang relasyon nila ni Bea

Hindi man tuwirang aminin na break na sina Jake Vargas at Bea Binene, maraming naniniwala na totoo nga ang naglabasang balita na magkahiwalay na ang dalawa.

Sa presscon kasi ng Liwanag sa Dilim ay umamin sila na may problema nga sila.

Sa kabilang banda, ayon kina Jake at Bea ay napakalaking break ang ipinagkaloob sa kanila ng APT Entertainment dahil bidang-bida sila sa pelikulang Liwanag sa Dilim. Kakaibang karanasan ito kay Jake dahil sumabak ito sa aksyon.

Okey lang kay Bea ang mga daring stunts dahil magaling ito sa martial arts lalo na sa Wushu.

Mapapanood na ito sa February 11, 2015 sa direksyon ni Richard Somes.

Sarah may lihim

Kasama rin sa Liwanag sa Dilim si Sarah Lahbati bilang isang misteryosang babae. Mahiwaga ang kanyang karakter at natuklasan nina Jake at Bea ang kanyang lihim.

Inamin ni Sarah na ngayong may anak na siya ay hindi na ito sanay magpuyat. Alas-otso pa lang ng gabi ay inaantok na siya ‘di gaya noon na kahit magdamagan ang shooting ay kayang-kaya niya.

Show comments