DJ Mo ‘di nakalusot sa walang pakundangang mga banat kina Bong at Jinggoy nu’ng Pasko!

Bago matapos ang taong 2014, muli na namang gumawa ng ingay ang kontrobersyal na radio and TV host na si Mo Twister sa pamamagitan ng kanyang social media account na Twitter.

Noong nakaraang Christmas Eve (December 24), nagpadala siya ng kanyang Christmas greeting and message sa tatlong nakakulong nga­yon na senators na sina Juan Ponce Enrile, Bong Revilla, at Jinggoy Estrada.

Naka-detain nga ang tatlong senador dahil sa plunder charges dala ng PDAF scandal.

Nakilala si Mo Twister sa kanyang pa­gi­ging matapang pagdating sa kanyang mga tweets at tila wala nga siyang kinakatakutan.

Kahit na sa kanyang radio show na Good Times with Mo na napapanood via podcast format ay wala rin siyang sinasanto at sasabihin niya kung ano ang gusto niya.

Heto ang mga naging tweets niya sa kanyang @djmotwister account:

“Merry Xmas Juan Ponce Enrile. I’m sure in your 90yrs you’ve had some expensive & amazing Xmas’. But this year, your ass is in jail. I Smile.”

“Merry Xmas Bong Revilla. My wish is that outside of ur jail cell theres a mistletoe hanging w/ hot chicks underneath & you can’t touch them.”

“Merry Xmas Jinggoy Estrada. I hope your douchebag kids get food poisoning today.”

Nagkaroon nga ng matinding reaction mula sa netizens ang mga tweets na ito ni Mo.

Show comments