Darren at Klarisse ginulat sina Sarah, Bamboo, Lea, at Apl.De.Ap

MANILA, Philippines - Kakaiba ang throwback episodes tampok ang never-before-seen na mga eksena ang regalo ng top-rating at Twitter-trending na The Voice of the Philippines sa huling dalawang linggo ng Disyembre ngayong taon.

Bago ang umaatikabong salpukan sa knockout rounds sa pagbubukas ng 2015, handog ng singing competition ngayong holiday season ang pinaka-hindi makakalimutang sandali sa blind auditions at battles ng Team Apl, Team Sarah, Team Bamboo, at Team Lea, pati na ang mga hindi pa napapanood na kulitan ng artists, hosts na sina Luis Manzano, Robi Domingo, Alex Gonzaga, at Toni Gonzaga, at maging ang bluff auditions ng The Voice Kids runner-up na si Darren Espanto at  The Voice Season 1 runner-up na si Klarisse De Guzman.

Huwag palampasin ang espesyal na holiday episode ng The Voice of the Philippines Season 2 ngayong Sabado (Dec. 27), 8:45 p.m. at Linggo (Dec. 28), 8:30 p.m. sa ABS-CBN.

Show comments