Janine pinayuhan ng ina na ‘wag munang magseryoso sa lovelife
FREE LANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - December 17, 2014 - 12:00am

Very proud si Lotlot de Leon kapag may nagsasabing mas maganda ang anak niyang si Janine Gutierrez kaysa sa kanya. Siyempre anak niya ito. ‘Yung dalawa niyang anak na babae ay super gaganda rin na sina Jessica at Maxene. Ang nag-iisang anak na lalaki na si Diego ay guwapo rin at matangkad.

Ipinagmamalaki ni Lotlot ang anak niyang si Janine dahil mabait na bata ito. Lagi niyang pinangangaralan ang anak na huwag lalaki ang ulo at matutong ma­kisama sa lahat ng kanyang nakakasalamuha. Pagdating sa pag-ibig, sinasabihan niyang mahalin ang trabaho at huwag munang magpakaseryoso sa lovelife. Bata kasi nang mag-asawa si Lotlot at ayaw niyang matulad ito sa kanya.

Pero dahil nga may lalaki na sa buhay ng anak, hindi rin naman ito masisi ng aktres. Boto siya kay Elmo Magalona para sa anak dahil gentleman ito, mabait, at malambing.

Sa kabilang banda, naiiba ang role niya sa Kubot: The Aswang Chronicles 2 at first time niyang gumawa ng ganitong klase ng movie.

Ang Kubot ang entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ng Reality Entertainment, Agosto Dos ni Dingdong Dantes, at GMA Films.

Isabelle naglihim sa ina

Kasama rin si Isabelle Daza sa Kubot: The Aswang Chronicles 2 at sumabak siya sa aksyon kung saan ipinamalas nito ang kaalaman sa pagtalon. Sobrang saya ang naramdaman niya dahil nagawa niya ang lahat sa pelikula kung saan maaasahan din pala siya sa komedi dahil ginabayan siya ni Direk Erik Matti.

Hindi niya ipinaalam sa inang si Gloria Diaz na delikado ang action scenes na gagawin dahil tiyak na hindi siya papayagan nito.

Kahit may nagsasabi na baka manalo siya bilang Best Actress ay hindi ito dumapo sa katawan ng aktres.

“Ang mahalaga, naibigay ko ang lahat sa pelikula at maganda naman ang kinalabasan kaya okey na ito sa akin,” sey ng aktres.

Personal

Happy 12th Founding Day to Electron Technical Training Center, Inc. on December 19, 2014. Cong­ratulations to owners Dennis and Lea Solis.

AGOSTO DOS ANAK ANG KUBOT ASWANG CHRONICLES BEST ACTRESS DENNIS AND LEA SOLIS DINGDONG DANTES DIREK ERIK MATTI LOTLOT
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with