2014 MBC National Choral Competition star-studded

MANILA, Philippines – Magtatanghal ang ilan sa ating sikat na recor­ding artist sa paglulunsad ng Manila Broadcas­ting Company at Star City sa 2014 MBC Na­tional Choral Competition, na gaganapin sa Aliw Theater.

Si Sarah Caballero ng The Voice Season 2 ang mangunguna sa December 9, kasunod naman si Darren Espanto ng The Voice Kids sa December 10. Si Morisette Amon ang siya namang guest sa December 11, habang ang kampeyon ng Pinoy Pop Superstar na si Jonalyn Viray ang aawit sa  December 12. Para sa grand finals ng December 13, aawitin ng kilalang rock band na Aegis ang kanilang hits.

Apatnapu’t apat na batikang choir mula iba’t ibang bahagi ng bansa ang magtatagisan para sa kampeonato ng MBC National Choral Competition. P150,000 ang nakalaan sa magwawagi sa open category, at P100,000 naman para sa children’s division.

Suportado ang MBC choral competition ng Globe Telecom, Columbia Candies, Shell, M.Lhuillier, Hapee Toothpaste, Speed Detergent, Coca Cola, Jollibee, at ang Philippine Choral Directors Association.

Magkakaroon din ng mga Friendship Concerts sa Grand Atrium ng Shangri-La Plaza Mall sa December 11-12.

Para sa karagdagan kaalaman, tumawag sa telepono bilang 555-3477, 832-6125, o tignan sa Facebook ang official page ng MBC National Choral Competitions.

Show comments