Elmo madalas sa bahay nina Janine

Finally, matutuwa na ang mga fans nina El­mo Magalona at Janine Gutierrez, dahil mamayang gabi, after ng 24 Oras, ma­papanood na ang bago nilang romantic-comedy series na More Than Words. Gagampanan ni Janine ang role ni Ikay na laging nagdi-day-dreaming at nasisiyahan lamang kapag nagsusulat ng fiction online. Ginawa niya ang character ni Katy Perez sa story ng Diary of a Queen Bee. She also crea­ted the character of Hiro, his dream boy

Playing important roles din sina Jaclyn Jose, Gardo Versoza, Yayo Aguila, Rey “PJ” Abellana, at Leni Santos, sa direksyon ni Andoy Ranay.

Tamang-tamang bumisita naman kami sa set ng Hiram Na Alaala, na nakausap namin si Lotlot de Leon. Natanong namin si Lotlot at nakumusta sa kanya ang inamin nang relasyon nina Janine at El­mo. Hindi raw naman sila tumanggi ng ama ni Janine na si Monching Gutierrez nang magtapat sa ka­nila ang dalawa.  Mabait daw si Elmo, magalang, at dumadalaw sa bahay kung walang work. Minsan, kung may work naman ang young actor, daraan lamang sa bahay nila para bumati at mangumusta.

Naikuwento tuloy ni Lotlot na noong dalaga pa siya, crush niya si Francis Magalona na ama ni Elmo at nakatambal na niya ito sa ilang shows, pero that time, girlfriend na ni Francis si Pia Ma­galona, ang mom ni Elmo. Biro pa ni Lot­lot, siguro raw ay they are not meant for each other ni Francis at ngayon ay sina Elmo at Janine na ang magpapatuloy.

Lotlot plays the mother of Andrea (Kris Bernal) sa Hiram na Alaala.

Fil It Up, ipo-promote sa buong mundo ang ‘Pinas

Nag-enjoy sa paggawa ng reality travel show na Fil It Up ang international rock ­singer na si Mig Ayesa at America’s Next Top Model, British Invasion grand winner na si Sophie Sunmer. Produced ang travel show ni Miles Roces ng Limitless Productions na ipalalabas sa GMA News TV simula sa January, 2015. Mahal ang talent fee at production cost ng show, pero ginawa iyon ni Miles para maipakita sa buong mundo ang ganda ng Pilipinas. Magkakaroon din kasi ito ng airing sa TV channels sa United Kingdom, Australia, United States, at nakikipag-nego­tiate pa sila sa ibang countries na interesadong makita ang Pilipinas. Tulong na rin nila ito to promote Philippine tourism.

Mas maaga sanang maipapalabas ito this year, kaya lamang nang magsisimula silang mag-shoot sa Mindoro, nalaman na nila ang padating na bagyong Yolanda noong November 8, kaya ipinagpaliban nila ito. Nag-depend din sa availability ng schedule nina Mig at Sophie ang shooting nila. Ipi-feature sa show ang Manila, Rizal, Ilocos, La Union, Subic, Mindoro, Laguna, Batangas, Albay, Boracay, Bohol, Cebu, Cagayan de Oro, at Camiguin. Pagkatapos ng launch cum presscon, bumalik si Mig sa London at si Sophie sa States, pero babalik sila rito to promote the show bago ipalabas at ipu-promote rin ni Mig ang ginawa niyang kanta na United As One for the Yolanda survivors.

Show comments