^

Pang Movies

Matambok na puwet ni Kim Kardashian tinalakay ni Jessica

Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa sampung taon na umeere ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), paano na nga ba nito naimpluwensyahan ang buhay ng mga manonood? Simula sa linggong ito, itatampok ang ilang mga tagasubaybay ng KMJS at ang kanilang Kuwentong KMJS.

Una na ang viral ngayon na si MMDA Enforcer Fernando Gonzales na nalitratuhang nagbebenta ng turon para maitaguyod ang pag-aaral ng kanyang mga anak. Kasama rin ang istorya ni Pinoy Sakuragi ng hard court na si Marc Pingris. Hindi lang pala sa larangan ng basketball siya bibida dahil ang power forward na si Marc ay balik-eskwela na.

Samantala, maingay ang ginawang magazine cover ng Hollywood A-lister na si Kim Kardashian kung saan iniharap niya ang kanyang “behind”! Marami man ang naeskandalo, marami rin ang mga nagtanong, paano nga ba magkakaroon ng matambok na puwet?

Mapapanood din sa KMJS ang basketbolistang si Arwind Santos na isa na ring singer; ang viral video ng ilang magkakabarkada sa Cebu habang sumasayaw at nagli-lipsynch sa saliw ng All About That Bass; ang mga look-alike daw nina Harry Styles at Zayn Malik ng One Direction na namataan sa Pilipinas at ang hot na hot ngayon sa food industry na mga chicken at pork buns.

ALL ABOUT THAT BASS

ARWIND SANTOS

ENFORCER FERNANDO GONZALES

HARRY STYLES

HOLLYWOOD A

JESSICA SOHO

KAPUSO MO

KIM KARDASHIAN

MARC PINGRIS

ONE DIRECTION

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with