Anne maanghang ang ipatitikim na production number
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - November 9, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines – Handang handa na ang ASAP 19 para sa pinakahihintay na pagbabalik ng ‘90s multimedia idol Jolina Magdangal ngayong Linggo (Nobyembre 9) kasama ang Kapamilya stars na sila Juris Fernandez, Richard Poon at Piolo Pascual. Garantisadong muling mapapahiyaw sa muling pagkilala sa kanyang mga awitin, hindi malilimutang box office movies, kasama ang kilalang JOLINA doll.

Tiyak na kaabang-abang din ang kolaborasyon ng The Voice coaches na sina Sarah Geronimo at Bamboo sa isang musical duet. Hindi rin papahuli ang OPM at Rap Icon na si Gloc 9 sa isang nakakabilib na performance kasama si Paolo Valenciano.

Humanda naman sa isang kapana-panabik na sorpresa mula kay international actress and Blood Ransom star Anne Curtis sa nakamamanghang production number.

Tunghayan ang awit ng pag-asa kasama sina ZsaZsa Padilla, Erik Santos, Yeng Constantino, Princess Velasco, at Tutti Caringal sa isang special Yolanda Commemoration.

Bukod sa mga kapana-panabik na concert treats, humanda sa isang grand album launch ni Comedy Royalty at OPM’s Newest star Ai Ai De las Alas kasabay ng kanyang exciting birthday celebration.

Samantala, aapaw ang kilig sa centerstage ngayong linggo kasama ang buong cast ng Relax it’s just Pag-ibig na sina Iñigo Pascual, Sofia Andres, at Julian Estrada plus throwback treats mula sa Kapamilya’s biggest kiddie at teen stars -- Teen Queen Kathryn Bernardo kasama sina Julia Baretto, Janella Salvador, Jerome Ponce, Marlo Mortel, Maris Rascal, Loisa Andalio, Joshua Garcia, Miles Ocampo, CJ Navato, Jairus Aquino, Alexa Ilacad, Clarence Delgado, Nhickzy Calma, Mutya Orquia, Xyriel Manabat, at Andrea Brillantes.

Abangan ang show-stopping birthday treats kasama ang awesome supahdance performances mula kina Enchong Dee, Shaina Magdayao, at Nash Aguas at tunghayan ang  ASAP’s Gimme 5 sa paglulunsad ng kanilang first debut album. Huwag palampasin ang non-stop hatawan sa dancefloor ng Supahdancers na sina Kim Chiu, Gerald Anderson, Shaina Magdayao, Rayver Cruz, Nikki Gil, Jane Oineza, Myrtle Sarrosa, at Bangs Garcia. Tiyak na magiinit ang dance floor sa isang supahdance treat mula kina Ina Raymundo at Jayson Zamora.

Makisaya sa exciting battle nina Karaoke King Luis Manzano at Karaoke Queen Alex Gonzaga sa mas pinabonggang ASAP Karaoke segment kasama ang Karaoke Maestro Marcelito Pomoy.

AI AI DE ALEXA ILACAD ANDREA BRILLANTES ANNE CURTIS BANGS GARCIA BLOOD RANSOM CLARENCE DELGADO COMEDY ROYALTY KASAMA SHAINA MAGDAYAO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with