^

Pang Movies

Wais din... Aktres binalikan ang mayaman at kilalang ex na hiniwalayan ang asawa

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nakipagbalikan sa kanyang ex-boyfriend na hiwalay sa asawa ang aktres na may image na pumapatol sa mga lalaki na may sabit.

Ang sabi ng friends ng aktres, wise move ang pakikipagbalikan niya sa mhin dahil hindi na masigla ang takbo ng kanyang showbiz career.

Mayaman ang papa ng aktres kaya kahit hindi ito magtrabaho, carry niya na ma-sustain ang kanyang maluho na lifestyle.

May feeling ako na mahal ng mhin ang aktres or else, walang reconciliation na nangyari at hindi niya magagawa na iwanan ang kanyang misis at mga anak.

Kilala sa mundo ng showbiz at pulitika ang boyfriend ng aktres pero low profile siya sa kasalukuyan kaya dedma ang publiko sa mga kaganapan sa kanyang lovelife at personal na buhay.

Lucky girl ang aktres dahil disente at tahimik ang legal wife ng mhin. Hindi siya nag-eeskandalo, kesehodang alam niya ang pagtataksil na ginagawa sa kanya ng asawa at ng girlfriend nito na aktres.

Pamilya ni Tia Pusit nagpasalamat sa mga tumulong nagbayad ng P1.5M na hospital bills

Nagpapasalamat ang pamilya ni Tia Pusit sa mga nagbigay ng tulong nang ma-confine sa ospital ang comedienne noong nabubuhay pa ito.

Umabot sa P1.5 million ang hospital bills ni Tia Pusit pero nabayaran ang lahat dahil sa financial help ng mga tao na may mabubuting kalooban.

Si Nova Villa ang nagpaabot ng pasasalamat sa mga tumulong sa kanyang nakababata na kapatid na sumakabilang-buhay sa Philippine Heart Center noong October 2.

Mommy D initsapuwera, Jinkee ginawang muse ng Team ni Manny

 Hindi matutupad ang pangarap ng fans ni Dionisia Pacquiao na ito ang maging muse ng Kia Sorento sa ope­ning ceremonies ng PBA sa Philippine Arena.

Naitsapwera ang beauty ni Mommy D dahil ang kanyang manugang na si Jinkee Pacquiao at hindi siya ang final choice bilang muse ng Kia Sorento.

Umasa ang supporters ni Mommy D na siya ang paparada sa opening cere­monies ng PBA dahil playing coach ng Kia Sorento ang kanyang anak na si Manny Pacquiao.

Naglaho ang dream ng Team Dionisia dahil ang misis ni Papa Manny na si Jinkee ang rarampa sa opening ceremonies ng 40th season ng PBA na magaganap ngayon sa Philippine Arena.

Kung si Mommy D ang pinili ng Kia Sorento, tiyak na ang kanilang basketball team ang pinakamaingay at pag-uusapan ng basketball fans. Sila ang nawalan, hindi ang karakter na madir ni Papa Manny.

Papa Joey binuko si Paolo na hindi kilala ang sarili

Natawa ako sa dialogue ni Papa Joey de Leon na mahanap na sana ni Paolo Ballesteros ang sarili.

Nagbibiro lang si Papa Joey na bilib na bilib kay Paolo dahil sa husay nito sa makeup transformation.

Kilalang-kilala na si Paolo sa international scene dahil sa kanyang pambihirang talent, ang panggagaya sa mukha ng mga sikat na female celebrity sa pamamagitan ng magic ng makeup.

Bahala na kayong mag-read between the lines sa joke kahapon ni Papa Joey sa Startalk na mahanap na sana ni Paolo ang sarili.

Nagpakitang-gilas na naman si Paolo sa Eat Bulaga nang gayahin niya kahapon ang Hollywood icon na si Marilyn Monroe.

Kopyang-kopya ni Paolo ang face ni Marilyn kaya uma­ni na naman siya ng katakut-takot na papuri. Kayo na ang maging apo ng mahusay na pintor na si Fernando Amorsolo!

vuukle comment

DAHIL

KANYANG

KIA SORENTO

MOMMY D

PAPA JOEY

PAPA MANNY

TIA PUSIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with