Susan proud sa natural na ganda

MANILA, Philippines - Kahit 73 years old na si Susan Roces, bakas pa rin ang iwi niyang kagandahan. Hindi raw siya nagpaparetoke kahit kailan at proud siya na hanggang ngayon lumalabas pa rin siya sa teleseryeng Sana Bukas Pa ang Kahapon ng ABS-CBN.  Impressed daw sila sa kakayahan ni Bea Alonzo na bida sa nasabing serye.

Mga kaeksena taob kay Dingdong?

Eksena sa Ang Dalawang Mrs. Real:  Sinampal ni Maricel Soriano si Lovi Poe at imbes na magalit dahil nasaktan, sinabi pa rin nito na karangalan ang masampal ng isang beteranang aktres tulad ni Marya.

“Yes, it’s really an honor for me na masampal ni Tita Maricel,” sabi naman ni Lovi.  Ibang klase namang sampal ‘yun.  Acting lang, kaya hindi siya masyadong nasaktan.

Bagama’t parehong magaling sina Lovi at Maricel sa nasabing teleserye, si Dingdong Dantes ang sinasabi ng mga kritiko na magaling umarte sa kanilang tatlo.  Ano kaya ang masasabi dito nina Marya at Lovi?

Show comments