Erich todo ang lampungan kina Enchong at JC

Isa si Erich Gonzales sa mga kasali sa Star Circle Quest na maganda ang PR, sweet, at hindi nakalimutan ang mga entertainment press na nakilala niya noon.  

Hindi man namin madalas makausap si Erich, nasusubaybayan namin siya through her guestings sa KrisTV dahil isa siya sa mga paborito ni Kris Aquino na isama sa mga episodes ng morning reality show.

Hindi ipinagkaila ni Erich na may boyfriend na siya na very supportive sa kanyang career. Kaya no problem siya sa bago niyang movie na Once a Princess ng Skylight Films kung saan magpapa-sexy siya at may kissing scene sa mga katambal niyang sina Enchong Dee at JC de Vera.   Ang Once a Princess ay idinirek ni Laurice Guillen na hango sa Precious Hearts Romances national bestsellers na isinulat ni Angel Bautista, showing in cinemas nationwide sa Wednesday, August 6.

Sheryl excited  makabalik ng Japan

Ipinarinig ni Sheryl Cruz ang Mananatili, isa sa dalawa niyang original compositions sa fourth album niyang Sa Puso ay Ikaw pa rin na she produced and will be distributed by Universal Records pagkatapos niyang mag-sign ng contract sa kanila.  At hindi raw pwedeng mawala pa rin ang tumatak na awitin niya noong 16 years old pa lamang siya, ang Mr. Dreamboy.  Ten cuts ang album pero bakit ang tatlong songs niya ay may Japanese translations, kasama niyang kinanta ang Mananatili na may Japanese lyrics?

 “Naniniwala po kasi ako na music transcends boundaries kaya ginamit ko ang Japanese language, at ang album ko ay dedicated to the memory of my late father Jesse Cruz a.k.a. Ricky Belmonte na nagpabalik-balik noon sa Japan kasama ng Tirso Cruz Band na hanggang sa ngayon may mga friends pa ako roon sa Tokyo.

“Kaya after kong mag-promote ng album dito sa atin, magkakaroon din ako ng promotion sa Japan, dahil matagal na nila akong hinihintay doon.”

Wala raw siyang love life, ang teenage daughter na si Ashley ang tinututukan niya ng oras. 

Kinalimutan na ni Sheryl ang family issues noon at thankful siya sa pinsang si Sunshine Cruz na pumayag makipag-duet sa kanya sa isa pa niyang original composition, ang The Last to Know.

Show comments