Banig, ‘The Little Girl with Big Voice’ sikat pa rin sa Hollywood
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - July 30, 2014 - 12:00am

Active pa rin pala sa music scene in Hollywood ang dating sumikat sa televised talent show na Ang Bagong Kampeon na si Josephine “Banig” Roberto.

Sa naturang talent show nanalo at sumikat ang noo’y nagsisimula pa lang na si Regine Velasquez.

Kung matatandaan ay sumikat si Banig noong 8-years old pa lang siya dahil sa pagsali niya sa Ang Bagong Kampeon noong 1988. Umabot siya sa grand finals at nakuha niya ang third place. Pero siya ang sumikat kesa sa tinanghal na champion.

Nakuha niya ang nickname na Banig dahil ang biro sa kanya ng host ng show, the late Bert “Tawa” Marcelo, ay umiihi pa rin daw ito sa hinihigaang niyang banig.

Ni-represent ni Banig ang Pilipinas nang sumali at manalo ito sa US talent show na Star Search noong 1989. Dahil dito ay nakapag-guest si Banig sa iba’t ibang TV show sa US tulad ng The Arsenio Hall Show, Into the Night with Dick Rees, Maury Povich Show, and Good Day LA.

Tinawag siyang “the little girl with the big voice” at kinontrata siya ng ilang mga malalaking record companies sa US at nagkaroon ng mga malalaking concerts.

Now at 36, active pa rin si Banig, at last July 19 ay nagkaroon siya ng special concert titled Unplugged Series at the Grammy Museum in Los Angeles. May bago nga siyang single at music video titled He Wants To Get It.

ANG BAGONG KAMPEON ARSENIO HALL SHOW BANIG DICK REES GOOD DAY GRAMMY MUSEUM HE WANTS TO GET IT INTO THE NIGHT LOS ANGELES
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with