Nairita sa followers, Pokwang ipinabenta rin ang pelikula sa mga online sellers

MANILA, Philippines - Tinalakan ni Pokwang ang mga online sellers na nagpa-follow sa kanyang Instagram account. “Ibenta rin ninyo ang The Illegal Wife tapos manood na rin kayo!” post ng komedyana sa account niya.

Nagiging venue na kasi ng online sellers ang IG upang magbenta sa publiko. Hinihimok din nilang subukan ng mga artistang pina-follow ang produkto nila.

Anyway, dahil sa tagumpay ng The Illegal Wife, hayun at nagpamisa talaga sa bahay si Pokie, huh!

Dahil tumayong tatay sa mga anak ni Ruffa, Venice binigyan ng greeting card si Richard

Tumayo ring tatay si Richard Gutierrez sa mga anak ng Ate Ruffa niya. Kaya naman touched na touched ang aktor nang makatanggap siya ng card na may mensahe mula sa pamangkin     niyang si Venice.

“Happy Father’s Day! Thank you for being there when I need a Dad. We’re a family no matter what (Even when you eat my magnum mostly all the time. Love Venice.”

Ngayong father na rin si Chard, kahapon natikman niyang i-celebrate ang okasyon sa pinagsabay na binyag ay birthday party ng anak na si Zion.

Show comments