Pagkansela sa Jasmine walang paliwanag

Sad naman kami kung totoo ang balitang si Direk Mark Meily mismo ang nagpa-pack-up ng taping ng Jasmine the Series ni Jasmine Curtis Smith sa TV5.  

Wala raw ibinigay na reason si Direk Mark sa mga artista niya kung bakit sila nag-pack-up, sa halip, humingi siya ng emergency meeting sa mga executives ng network.

Sayang naman dahil after ng bonggang launch sa kanilang prinsesita ng TV5, si Jasmine, last Sunday, June 1, 9:00 p.m. pa lamang nag-pilot ang mini-series.

Totoo rin bang hindi pa sure kung may maipapa­labas na second episode mamayang gabi o tuluyan na ba itong ika-cancel?  Poor rating raw ba ang dahilan?

 Sa AGB Nielsen rating in Mega Manila last Sunday, nakakuha raw lamang ito ng 2.8 percent?

Andre ayaw nang sagutin ang tungkol kay Jackie Forster

Hindi rin masisisi ang young actor na si Andre Paras kung ayaw na niyang sumagot sa mga tanong ng mga entertainment press noong presscon ng first TV drama series niya sa GMA 7, ang The Half Sisters tungkol sa inang si Jackie Forster.  Sa palagay daw niya nasagot na niyang lahat ang mga tanong tungkol sa kanila ng brother niyang si Kobe at ng kanilang ina. Naipasa-Diyos na raw niya ang lahat at ipinagdarasal naman niya na tuluyan nang gumaling ang half-sister niyang si Caleigh na may leukemia.

Sa blockbuster movie na Diary ng Panget ng Viva Films unang nakilala si Andre. Nagho-host din siya every Sunday ng Sunday All Stars at tinanggap niya ang first soap niya dahil dito lamang sa Metro Manila ang taping nila. Mahirap daw kasing pagsabayin ang kanyang studies sa UP at pagiging member ng UP Varsity Team sa kanyang work kung malayo ang location nila.  

Bukas na, June 9, mapapanood ang pilot episode ng The Half Sisters pagkatapos ng Eat Bulaga.

Carmen Soriano tuloy ang pagraket

Masaya si Carmen Soriano, mommy ng actor na si Lloyd Samartino, na lagi pa rin siyang naaalaala ng GMA 7 na bigyan ng project, tulad nitong The Half Sisters na gaganap siyang mayamang lola ni Jomari Yllana. 

Nag-sorry siya kung hindi raw niya nababati ang ibang entertainment press  na nasa presscon dahil marami na sa kanila ay hindi na niya kilala. Tuluy-tuloy pa rin pala si Carmen sa kanyang singing career dahil marami pa rin namang kumukuha sa kanya sa mga corporate shows here and abroad.

Show comments