_pang-masa
^

Pang Movies

Bea nawalan na ng hiya!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Humanga ang entertainment press sa mga sagot ni Bea Alonzo sa pocket presscon ng Sana Bukas pa ang Kahapon na bagong serye nila ni Paulo Avelino sa ABS-CBN.

Sa totoo lang, ang galing-galing nang sumagot ni Bea sa mga tanong, unlike in the past na maraming hino-hold back at maraming iniiwasang sagutin.

Game na game siya sa lahat ng questions at ni hindi kinakitaan ng pagkapikon ang aktres kahit na nga ba ang ibang mga tanong ay may pagka-sensuwal na dala na rin ng sensual scenes nila ni Paulo sa teaser.

Aminado naman si Bea na dati ay talagang hindi siya nago-open up sa press. Pero siyempre, habang nagtatagal ay unti-unti na niyang nakakasanayan ang sistema sa showbiz. At kasabay ng pagma-mature niya, mas nauunawaan na niya ngayon ang mundong kanyang ginagalawan.

“Nu’ng nag-uumpisa ako sa showbiz, nasa utak ko lang kumita ng pera, sana magkaroon ako ng puwang sa industriya, kaya tanggap ako nang tanggap (ng projects) hanggang sa duma­ting ‘yung point na, ‘uy, iba na ang hinahanap ng puso ko’ gusto ng puso ko, quality roles na, ‘yung mamimili ka na, ‘yung hahanapin mo na, magtatanong ka na, ‘direk, paano ba ito?’ tapos ito ‘yung sasabihin ng karakter mo, nagsa-suggest ka na.

“Nu’ng umpisa kasi, nahihiya ako, natatakot, pakiramdam ko dyina-judge ako, pakiramdam ko hindi ninyo ako tatanggapin. Ngayon, nandoon na ako sa punto na kilala ko kung sino ako, so kahit ano ang sabihin ng tao kung sino ako, masaya ako,” paliwanag ni Bea.

Pinuna rin ng mga reporters na isa siya sa mga artistang hindi nagbabago ang ugali’t hindi nagiging mayabang kahit na naroroon na sa rurok ng tagumpay.

Say ni Bea, malaking tulong din daw marahil ang boyfriend niyang si Zanjoe Marudo at ang kanyang pamilya.

“Na laging nagre-remind sa akin na hindi naman ito forever, saka nagreremind din sa akin na, ‘ito ka lang dati, problema mo dati ito lang, ‘tapos ito ang problemahin mo ngayon, so sino ka para magreklamo?” say ni Bea.

The actress is making a big comeback at the primetime slot via Sana Bukas pa ang Kahapon at sa trailer pa lang ng serye, talaga namang masasabi mong isa na naman itong masterpiece mula sa Dreamscape Productions.

Sarah hindi napigilang umiyak sa wedding song

Medyo naging emosyonal si Sarah Geronimo sa The Voice Kids aired last Saturday habang kumakanta ang isang contestant ng wedding song.

Maging si Lea Salonga ay nagulat nang makitang teary-eyed ang Pop Superstar.

“Okay ka lang? Napaiyak ka ba? Napaiyak ata siya doon sa kasal,” nag-aalalang sabi ni Lea.

Hindi pa nakuntento ang multi-awarded actress/singer, tumayo pa siya mula sa kanyang upuan at lumapit kay Sarah.

“Teka muna ha, yayakapin lang kita,” sabi ni Lea habang lumalapit kay Sarah.

Mahigpit na nagyakap ang dalawa at pagkatapos ay nagbitaw pa ng pangako si Lea kay Sarah.

“Basta ito, pangako ko, ‘pag nagpakasal ka, kakantahan kita,” she said na nagpatili sa audience.

Tuwang-tuwa naman si Pop Star sa tinuran ng kanyang idol.

Pagkatapos nito ay ipinaliwanag ni Sarah kung bakit siya naiyak. Aniya ay naalala raw niya sa batang kumanta ang boses niya noong bata pa siya.

Anyway, masuwerte ang mananalo ngayon sa The Voice Kids dahil kasama sa mapapanalunan niya ay ang Camella house and lot mula sa Vista Land nina Chairman Manny Villar. Sa first season kasi ay wala pang house and lot prize.

Pumayag si Chairman Villar na mag-sponsor sa ABS-CBN ng house and lot at pangalawa na rin nila ito dahil ang Camella Homes din ang sponsor ng Bet on Your Baby ni Judy Ann Santos.

 

AKO BEA CAMELLA HOMES CHAIRMAN MANNY VILLAR CHAIRMAN VILLAR DREAMSCAPE PRODUCTIONS VOICE KIDS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with