^

Pang Movies

P-Noy bumisita sa video store

REBYUWER KIBITZER - Jhi D. Gopez - Pang-masa

Nagkaroon ng time makapamasyal o makapamili kamakailan si Presidente Noynoy Aquino dahil naispatan siya sa Astrovision sa Glorietta 2, Makati City. Hindi lang nalaman kung nakabili siya ng mga bagong album o audio-visual accessories tulad ng headphone o microphone.

Mahigpit ang security na hinarangan pati ang hagdan papunta sa store para nga naman hindi makapang-usyoso ang mga tao kahit wala namang gagawin sa may labas ng kanyang binibilhan.

Nakakatuwa lang dahil hindi naman makapagsinungaling ang mga naka-puting bodyguard kapag tinatanong ng crowd kung sinong pulitiko ang nasa Astrovision. Sinasagot nila na si P-Noy ang nasa loob.

Kiko Rustia naging seryoso nang ipagupit ang dreadlock

Nagmukhang seryoso na sa buhay si Kiko Rustia sa bago niyang haircut. Wala na ang dreadlocks na ilang taong iningatan mula nang sumali siya sa Survivor Philippines hanggang maging host sa Born to be Wild.

Sa bago niyang show na Dis is Pinas na eere na ngayong tanghali (April 5) seryoso rin ang hitsura ng TV host nang gumawa ng video plug. Walang ngiti-ngiti.

Seryoso at malalim na documentary show kaya ang bagong show niya sa GMA News TV? Hindi naman siguro, kasi kultura at mga tradisyon naman ang pag-uusapan sa Dis is Pinas katulad din sa ibang travel shows. Baka gusto lang sabihin ni Kiko na, “Seryosohin n’yo na akong TV host.”

Venus Raj nagpapaka-business professional

Ang isa pang GMA News TV talent ngayon dahil sa kasulukuyang show na Business Flight ay si Venus Raj. New look na rin kasi ang beauty queen sa kanyang travel-inspirational show bilang co-host ni Cristina Decena. Maiksi na ang kanyang kulot pa ring buhok.

Hindi man ganun kabagay kay Venus, lalo na at nagpakulay pa siya ng buhok ngayon, ay mukha namang nag-mature na sa pagho-host ang kanyang beauty. Pang-business professional na ang peg ni Venus. Hindi na tulad nung nasa Umagang Kay Ganda siya. 

***

May ipare-rebyu? E-mail: [email protected]

vuukle comment

ASTROVISION

BUSINESS FLIGHT

CRISTINA DECENA

KIKO RUSTIA

MAKATI CITY

PRESIDENTE NOYNOY AQUINO

SURVIVOR PHILIPPINES

UMAGANG KAY GANDA

VENUS RAJ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with