Paraiso Ko’y Ikaw nagwakas na

MANILA, Philippines - Nagwakas na kahapon, Biyernes ang drama series na pinagbidahan ng Kapuso teen stars na sina Kim Rodriguez at Kristoffer Martin, ang Paraiso Ko’y Ikaw.

Tinutukan ang makapigil-hiningang tagpo sa huling episode ng Paraiso Ko’y Ikaw matapos madiskubre ni Edward (Gabby Eigenmann) na si Yvette (Jessa Zaragosa) ang tumulak kay Herminia (Irene Celebre) sa pool, galit na galit na sinugod at kinompronta ni Edward si Yvette.

Nataranta si Yvette, lalo na nang makita niya kung gaano kagalit si Edward. Agad siyang tumakas kasama si Berto (Neil Ryan Sese) at tinangay nila si Josephine (Kim). Pagdating nina Brix (Phytos Ramirez) at Tupe (Kristoffer) sa funeral house, nakita na lang nila na tangay na nina Yvette at Berto si Josephine.

Nakisali sa habulan sina Tupe at Brix upang iligtas si Josephine.

Show comments