Wally balik-EB na?

 MANILA, Philippines - Marami  ang humuhula na si Wally Bayola ang hinahanap na kalahati ng puso na hawak ni Jose Manalo sa Eat Bulaga segment nilang Juan for All All for Juan. Eh, may nakarating din sa aming balita na ngayong Sabado, February 8, ang balik ni Wally sa Bulaga mula nang pumutok ang eskandalo niya last September.

Siyempre, ayaw muna naming siguraduhin na balik-EB na si Wally at siya na ang one half sa hawak na puso ni Jose hangga’t hindi pa namin siya napapanood nang personal sa noontime show.

Basta pagdating sa Klownz at Zirkoh Comedy Bars, regular na siyang napapanood tuwing Martes at Linggo at ayon sa staff ng lugar, mainit ang pagtanggap ng mga tao kay Wally na napatawad na ang ginawa.

Sunshine dalagang-dalaga na uli ang porma

Itinanggi ni Sunshine Cruz na nanliligaw sa kanya si Ejay Falcon matapos nilang magsama sa ABS-CBN show na Dugong-Buhay.

 â€œAng bagets-bagets ni Ejay! Hindi totoo ‘yon! Ha! Ha! Ha!” chika ni Sunshine sa amin na dumalo sa birthday party ng manager niyang si Alfie Lorenzo nu’ng Wednesday sa Imperial Hotel.

Dalagang-dalaga nga ang porma ni Shine ngayon dahil seksing-seksi ang katawan niya. Solo flight nga lang siyang dumating hindi kagaya nu’ng nakaraang birthdays ng manager na kasama ang asawang si Cesar Montano, huh!

Sa party rin na ‘yon, sabay namang dumating ang lovers na sina Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista. Pormang senator’s wife na ang drama ni Heart. Inabutan pa siya ng dating manager na si Annabelle Rama na kanyang hinalikan sa pisngi. Gumanti naman ng halik si Tita A kaya natuwa naman ang aktres.

Mr. Gozon naalala ang pagpapa-picture ni Deniece Cornejo

Naungkat  muli kay Atty. Felipe Gozon ang tungkol kay Deniece Cornejo sa contract signing ni Solenn Heussaff. Idiin niya na ipinakilala lang sa kanya ng dating GMA executive na lolo ni Deniece ang dalaga na gustong mag-artista.

 â€œTapos ay nakipag-picture siya sa akin! Hindi ko alam na maging isyu pala ‘yon! Ha! Ha! Ha!” sabi ni Atty. Gozon.

Matapos ang contract signing, nagmeryenda lang si Atty. Gozon at saka nagpaalam na. “Baka kung ano pa ang maitanong ninyo! Excuse muna ako,” sabi pa ng GMA President.

 Three years ang kontratang pinirmahan ni Solenn.

Show comments