Sex video ni Janelle at napatay na si Ramgen patuloy na ikinakalat
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - November 4, 2013 - 12:00am

Inamin na ni Janelle Manahan na marami pa silang nagawang sex video ng kanyang pinaslang na boyfriend na si Ramgen Revilla. Umaasa na lang siya na kung sino man ang nakakuha ng mga iyon ay hindi na palalabasin pa. Hindi lamang bilang respeto sa kanya kung hindi higit bilang respeto sa yumao niyang boyfriend.

Noon kasing mapaslang nga si Ramgen at tumestigo siya, may biglang nag­labas ng kanilang sex video para siguro takutin o siraan siya pero tumestigo pa rin si Janelle.

Cesar at Sunshine hindi na gaanong pinag-uusapan

Sabi nila, ibang klase raw talaga si Sunshine Cruz. Hindi kasi maikakailang nagkaroon sila ng problema ng kanyang asawang si Cesar Montano. Nauwi rin iyon sa controversy at nagkaroon ng demandahan. Pero hindi na­ging isang malaking eskandalo kagaya ng iba. Natahimik na nga ngayon eh.

Sabihin na nating siguro dahil iyon sa hindi pagpatol ni Cesar sa mga intriga. Kagaya nga ng nasabi niya, hindi niya sisiraan ang kanyang asawa, ang nanay ng kanyang mga anak, para lamang mapaganda ang kanyang image. Kahit na hiwalay sila, nananatiling isang gentleman si Cesar at ipinakita niyang pinangangalagaan pa rin niya hindi lamang ang kanyang image kundi ganoon din naman ang image ng kanyang asawa.

Sa parte naman ni Sunshine, maliwanag lang naman kasi ang gusto niyang mangyari. Magkahiwalay na sila ni Cesar ng pormal, mailagay sa ayos ang kanilang buhay at ng kanilang mga anak dahil kagaya nang nasabi niya, may mga bagay talagang hindi nila mapagkasunduan.

Palagay namin, ang isa pang dahilan kung bakit hindi sila nagaya sa iba ay dahil sa katotohanan nang magkahiwalay sila ay nagkaroon ng fallback position si Sunshine. Ma­tagumpay siyang nakabalik sa kanyang career. Nagkasunud-sunod ang kanyang serye sa telebisyon eh kasi nga magaling na­man siyang aktres talaga, matagal mang nawala sa limelight dahil nag-asawa siya ay malakas pa rin ang following niya nang magbalik siya. Siyempre kung ganyang may career, stable naman ang buhay kaya mas na­kakapag-isip nang tama.

Iyong iba naman kasi ang krisis sa buhay ay nasabayan ng krisis din sa kanilang career. Walang hanapbuhay at hindi malaman kung ano ang pagkukunan ng kabuhayan kaya ganoon na lang, kung anu-anong bagay ang naiisip.

Suwerte rin naman si Sunshine. Siguro nga hindi masasabing suwerte ang buhay may asawa niya da­hil nauwi nga sa wala pero suwerte pa rin siya sa kan­yang career at sa kanyang pamilya na sumusu­porta sa kanya hanggang ngayon.

Gov. Vilma naputol ang birthday celebration

Ewan kung ano ang feeling ni Gov. Vilma Santos-Recto ngayon dahil isang araw bago ang kanyang birthday at nakaabot sa kanila ang ba­lita na ang mother ng mister niyang Sen. Ralph Recto, si Mrs. Carmen Gonzales-Recto, ay yumao na.

Tiyak na kung ano pa man ang ibang plano sa celebration ni Ate Vi ay gagawin na lang short cut dahil paano nga naman siya magse-celebrate kung namatay naman ang kanyang biyenang babae? Sa mga Pilipino kasi basta may namatay sa pamilya ay wala na munang kahit na anong kasiyahan.

ATE VI CESAR MONTANO JANELLE MANAHAN KANYANG KUNG MRS. CARMEN GONZALES-RECTO NAMAN SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with