^

Pang Movies

Celebrity na takot magka-high blood kaya ayaw kumain ng pula ng itlog, tinamaan naman ng kanser

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Very rare ang sakit na dumapo kay Kim Atienza, na kilala nating isang health buff. Buti naman at natuklasan agad at maagapan ang gamutan. Kaya lang milyones ang magiging halaga ng kanyang medical bills.

Lahat ng mga kasamang artista ni Kim ay nagdarasal para sa kanyang mabilis na paggaling.

Nagtataka ang iba na kung sino pa ang sobrang ingat sa katawan, sila ang nagkakasakit ng todo. Merong isang celebrity na kahit pagkain ng itlog ay ingat na ingat. Ayaw kainin ang pula dahil sobra raw ang cholesterol.

Hindi nga siya na high blood at nagkaroon ng sakit sa puso pero Big C naman ang naging karamdaman niya!

Open orgy ng mga closet queen, macho star, at kahit bodybuilder ginaganap sa beach house

Madalas ang mga tanong kung sino sa mga na­tsitsismis na artista ang talagang mga beki. Kahit maglitanya sila ng mga pangalan, nakatikom pa rin ang aming bibig. Kung wala talagang katibayan, tulad ng mga M2M video at mga litratong kasama ang kanilang male partner in bed, paano naman makasisigurado?

Buti pa makinig kayo ng Showbiz Talk with Morly Aliño tuwing Linggo ng tanghali sa DZRH. Diretso ang mga sagot sa tanong ni Morly at mari­rinig ninyo ang mga pangalan ng mga aktor o singer! Mahirap isulat kasi baka kami pa ang sisihin at hindi si Morly, na malakas ang loob.

Sa mga tuwirang pahayag ni Morly, tiyak na ma­titigil na ang mga tanong ninyo.

Ang mga beki, may tinatawag na royal rumble. Ito ang open orgy with closet queen celebrities, macho stars, weight-lifting bodybuilders, and newcomers all in a rented house by the beach.

Kahit hindi pa magkakakilala ang mga dumalo, parang well-acquainted na sila pagdating sa kama. No inhibitions at all, game lahat para mag-enjoy!

Sorry, hindi pa sila nangungumbida ng showbiz reporter sa kanilang wild party.

Dennis masaya sa love life pero hindi kay Jennylyn

Sumumpa si Dennis Trillo na hindi pa niya binabalikan ang isang dating girlfriend. Ibig sabihin, itinatanggi niya ang bintang na nakakasama niya si Jennylyn Mercado sa pamamasyal sa mga resort.

Kung happy si Trillo sa kanyang love life at sa new movie na Sapi ni Brillante Mendoza, hindi si Jennylyn ang dahilan. Sadya lang lapitin ang aktor ng chicks kahit busy sa trabaho kaya never na-zero ang aspetong romansa sa kanya.

Britney Spears tumino na sa ika-walong album

Una naming nakita at na-interview si Britney Spears noong 16 years old pa lang siya at kalalabas ng kanyang blockbuster na Baby One More Time.

Fifteen years later, dalawa na ang sons ng dating teen star — sina Sean, 8 at Jayden, 7. Malaki na rin ang ipinagbago ng attitude sa buhay ni Britney, tipong going straight na siya. She is now promoting a new single, Work B… mula sa kanyang bagong album at eighth album, Britney Jean.

Siyempre natandaan din ng kaibigang Ricky Lo ang first Britney interview sa Tokyo, Japan, 15 years ago.

Cesar at Sunshine magkaiba na ng buhay

Magkabilang panig na kina Sunshine Cruz at Cesar Montano ang nagsa­bing never mangyayari ang reconciliation sa nagkahiwalay na mag-asawa. Tiyak na lalakarin na nila ang legal process upang tuluyan nang harapin ang bagong buhay.

Si Sunshine, nakabili na ng bagong bahay sa Parañaque. Si Cesar naman, balitang maligaya na sa kanyang bagong pag-ibig!

In between them are three beautiful daughters na kailangan nilang alagaan at kausaping mabuti upang mabawasan ang trauma ng broken home.

Eugene nagkapera sa Japan filmfest!

Nagwagi ng best actress award si Eugene Domingo for Jun Lana’s Barber Tales sa katatapos na 25th Tokyo International Film Festival sa Japan.

Bukod sa trophy, merong cash prize ang nasabing tagumpay.

vuukle comment

BABY ONE MORE TIME

BARBER TALES

BIG C

BRITNEY SPEARS

MORLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with