Pagkatapos ng dalawang taon, Sen. Revilla ipinagtanggol ang anak na suspek sa pagpatay kay Ramgen
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - October 22, 2013 - 12:00am

Makalipas ang dalawang taon matapos na ma­patay ang kanyang anak na si Ramgen Revilla, at makulong ang kanyang isang anak bilang pangunahing suspect at ang isa naman ay tumakas palabas ng bansa para hindi mahuli ng pulisya, ngayon lang nagbigay ng statement si dating Senador Ramon Revilla, Sr. at nagsabing naniniwala siyang walang kasalanan ang anak niyang si RJ.

Sinasabing iyon daw ang naging reaksiyon ng matanda matapos malamang hindi pinayagan ng korte na makapag-piyansa ang kanyang anak. Pero ang statement ay hindi na niya napirmahan, nilag­yan na lang ng kanyang thumbmark.

May nagtatanong nga, bakit ngayon lang siya nagsalita tungkol sa mga bagay na iyon? Bakit nga­yon pa siya nagpalabas ng statement kung kailan dalawang taon na ring nakakulong ang kanyang anak na suspect sa pagpatay sa isa rin niyang anak? Bakit statement lang na may thumbmark? May duda tuloy ang ilan, si Mang Ramon ba talaga ang gumawa ng statement na iyon, o ginawa ng iba at nilagyan na lang ng thumbmark niya?

Ano kaya ngayon ang comment ni Sen. Bong Revilla, Jr. na siyang nag-asikaso ng lahat pati na ng followup sa imbestigasyon sa pagpatay kay Ramgen? Ano ang masasabi ng Janelle Manahan at iba pang testigo sa krimen na nagturo kina RJ at Ramona Revilla?

Gov. Vilma ayaw talagang makisawsaw sa love life ng mga anak

Walang comment si Gov. Vilma Santos-Recto sa lahat ng mga issue na wala siyang kinalaman. Maski nga sa breakup ng kanyang anak na si Luis Manzano sa girlfriend na si Jennylyn Mercado ay walang comment si Ate Vi. In the first place, sabi nga niya, wala rin naman siyang sinabi sa relasyon ng dalawa. Kung sabagay, kahit naman noon, ang pahayag niya ay, “nasa tamang edad na sila.”

Medyo liberal kasi ang takbo ng isip ni Ate Vi pagdating sa ganyang bagay. Hindi siya kagaya ng ibang magulang na talagang pinakikialaman ang buhay ng kanilang mga anak. Para sa kanya, basta alam niyang wala namang masamang ginagawa ang mga anak niya, at wala namang nakakasama ang mga iyon na hindi mabubuting tao, hindi siya nakikialam.

Maski nga ang bunso niyang anak na si Ryan Recto alam niyang may girlfriend din pero hindi niya pinakikialaman. Madalas na sinasabi niya, “I believe that he is responsible enough. Tinuruan naman namin silang maging responsible sa lahat ng mga bagay na gagawin nila.”

Siguro nga masasabing may advantage rin naman ang gano’ng pananaw dahil natututo ang mga bata kung ano ang kanilang dapat gawin sa anumang sitwasyong pasukin nila. Ang mahalaga, habang bata pa sila, ay nagagabayan sila ng maayos ng kanilang mga magulang. At saka nasa nakikita rin naman nila iyon sa mga magulang nila. Kung ang mga magulang nila ay magulo ang buhay, maaaring isipin ng mga bata na okay lang iyon.

Sa kaso naman ni Ate Vi, nakikita ng mga anak niya kung paanong gusto niyang nasa ayos lagi ang buhay nila, at dahil nakalakihan na nila iyon, nagiging responsible sila.

At saka sa edad ba naman ni Luis kailangan pa niyang pakialaman ang love life?

Aktres sinundan ang model BF sa abroad, MAY duda na ibubugaw lang ng manager sa mayayamang bading

Sinundan ng aktres ang kanyang poging model boyfriend na nagpunta sa abroad, sa isang Asian City, dahil sa duda niyang ibinugaw na naman iyon ng manager sa mayayamang bading sa abroad.

May reputation kasi ang talent manager na nagbubugaw talaga ng talents niya sa mga maya­yamang bading at lagi ngang sa abroad ang date para hindi lantaran dito sa atin.

 

ANAK ANO ATE VI IYON NAMAN NIYA NIYANG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with