Ryan namamahinga pa rin, Tom na-dengue rin?!

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - September 8, 2013 - 12:00am

Mababa ang blood platelet count ni Tom Rodriguez kaya under observation ito sa isang ospital dahil sa duda na baka nadale siya ng dengue.

Worried na worried ang fans ni Tom pero sinabi nito na walang dapat ipag-alala dahil magagaling ang mga doktor na nag-aalaga sa kanya.

Kung sakali na may dengue si Tom, siya ang pangatlo sa mga artista ng GMA 7 na dinapuan ng dengue. Nauna na sina Michael V. at Ryan Agoncillo. Kapag nakumpirma na may dengue si Tom, puwersado siya na magpahinga, magpagaling, at hindi mag-report sa taping ng My Husband’s Lover.

Resting pa rin si Ryan na nabiktima rin ng dengue. Si Ryan ang bida sa Ano ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap? na pelikula na ipalalabas sa lahat ng mga sinehan ng SM Malls simula sa Sept. 11.

Puwedeng panoorin ng buong pamilya ang Ano ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap? dahil malayo ito sa ibang pelikula na may tema ng kabadingan at pang-aabuso sa mga kababaihan.

Bukas ang premiere night ng indie film sa Cinema 7 ng SM Megamall. Kung maayos na ang pakiramdam ni Ryan, siguradong dadalo siya sa premiere screening ng pelikula. Open sa public, as in libre, na mapapanood ang premiere showing ng Ano ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap?

Love affair ni Gladys umaapaw ang violence

Punumpuno pala ng violence ang love affair ni Gladys Guevarra at ng kanyang boyfriend na si Jojo Diamse.

Ipinagtapat ni Jojo sa Startalk na sinagasaan siya ni Gladys dahil lasing na lasing ito. Gusto raw ni Gladys na makipagbalikan sa kanya. Ang sabi naman singer-comedienne, hindi biro ang limang taon na relasyon nila ni Jojo kaya may naiwan pa na feelings.

Eh hahantong sa korte ang kanilang problema, paano na ang naiwan na feelings? Kung hindi pa nagkagulo ang dalawa, hindi malalaman ng mga tao na may love life pala si Gladys na muntik nang magpakasal noon sa isang American guy na asawa na ngayon ng dating sexy star na si Stella Ruiz.

Nagpahinga muna si Gladys sa social media mula nang pumutok ang mga balita tungkol sa away nila ng kanyang boyfriend. Handa siya na harapin sa korte ang ex-boyfriend na nagsampa sa korte ng patung-patong na kaso laban sa kanya.

Regular na napapanood si Gladys sa Cele­brity Bluff ng GMA 7. Nakakasama niya sina Jose Manalo at Wally Bayola bilang mga Celebrity Gangnam.

Parehong mga kontrobersiyal ngayon sina Wally at Gladys. Nasasangkot si Wally sa sex video scandal at pinagpipiyestahan naman ang away ni Gladys at ng boyfriend nito. Unlike Wally, wala yatang plano si Gladys na huwag munang magpakita sa publiko dahil mas matindi naman ang eskandalo na kinasa­sangkutan ni Wally.

Ruffa at Willie kasama sa sosyal na birthday ni Tessa Prieto-Valdes sa isla

Nag-celebrate ng 50th birthday sa sosyal na Balesin island sa Quezon ang socialite at TV host na si Tessa Prieto Valdes.

Kabilang sa mga bisita ni Tessa si Ruffa Gutierrez at ang mga anak nito na sina Lorin at Venice. Naroroon din sa Balesin island si Willie Revillame dahil ang private plane nito ang ginamit ng grupo ni Tessa sa pagpunta sa sosyal at private na isla.

ANO BALESIN CELEBRITY GANGNAM GLADYS GLADYS GUEVARRA JOJO KULAY NAKALIMUTANG PANGARAP
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with