Fashion student nakapagdisenyo ng damit para kay Vice Ganda

MANILA, Philippines - Matutupad ang natatanging hiling ng isang fashion design student na makaharap ang TV host-comedian na si Vice Ganda at maisuot ng idolo ang isa sa kan­yang mga disenyo sa Mutya ng Masa ni Doris Bigornia bukas (Sept. 3).

Masigasig sa pag-aaral si Jeremy na ngayon ay first year fashion design student sa College of St. Benilde para makatulong sa kanyang mga magulang. Aniya, kung hindi siya full scholar ay hindi siya makakatuntong ng college dahil hindi sapat ang kinikita ng kanyang mga magulang sa pagtitinda sa Baclaran, Parañaque.

Mataas man ang mga pangarap, simple lang ang gusto ngayon ni Jere­my na makapagpapasaya sa kanya. Sa pag-guest ni Doris sa Gandang Gabi, Vice, da­dalhin niya si Jeremy upang makasalamuha mismo si Vice. Ano kaya ang inihandang sorpresa ni Vice Ganda para kay Jeremy?

Samantala, pasasayahin din ni Doris ang dalawang “bigating” misis na magkaibigan na ang tanging hiling lamang ay ang makakain sa isang buffet restaurant at masubukan ang zipline.

Sa Mutya ng Masa, good vibes lang ang hatid ni Doris, ang inyong katuwang sa lungkot at ligaya ng buhay. Dito niya ibinabahagi ang mga kuwento ng mga ordinaryong tao at pinagkakalooban sila ng mga bagay na makapagpapasaya sa kanila.

Huwag palampasin ang Mutya ng Masa bukas, 4:15 p.m., sa ABS-CBN.

Show comments