Ex- Kapamilya boy wonder, hinahanap ng ABS-CBN!

MANILA, Philippines - Muling bubuksan ng ABS-CBN ang bakuran nito ngayong Sabado (Agosto 17) para sa mga talented na batang lalaki na nangangarap na sumunod sa yapak ng award-winning Kapamilya child wonder na si Zaijian Jaranilla. Maaaring sumali ang little boys, mula tatlo hanggang pitong taong gulang, sa audition na gaganapin mula 9:00 a.m. hanggang 3:00 p.m., sa center road ng ABS-CBN Complex sa Mother Ignacia Avenue, Quezon City.

Lahat ng batang sasali ay kailangang magdala ng bio-data at dalawang pictures (isang close-up at isang whole body).

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

 

Show comments