Jolina hindi pa nararamdaman ang baby sa tiyan
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - August 13, 2013 - 12:00am

Balik-trabaho ang buntis ngayong si Jolina Magdangal at napanood na siya last Sunday sa Sunday All Stars ng GMA 7. Three months na ang kanyang dinadala at masaya niyang ibinalita na nalagpasan na niya ang hirap ng first trimester ng pagbubuntis.

Binigyan na raw si Jolens ng clearance ng kanyang doctor na requested ng GMA na puwede na siyang magtrabaho ulit pero kailangan ay maingat pa rin siya sa kanyang kalagayan.

Wala naman ding problema sa asawa niyang si Mark Escueta ang pagbabalik niya sa trabaho kahit buntis si Jolens.

 â€œBasta naman may clearance ng doctor okay kay Mark. Promise ko naman na hindi ko aabusuhin ‘yung sarili ko. Papakiramdaman ko pa rin ang sarili ko. Kapag may iba akong nararamdaman na hindi tama, tigil muna ako ulit.

“Kinumpleto ko ‘yung two weeks na walang spotting. ‘Tapos nag-extend lang ako ng mga ilang araw pa para sure na sure talaga. Hindi ko pa nararamdaman ‘yung baby sa tiyan ko. Pero kapag nagpapa-ultrasound ako nakikita ko siya. Nakikita kong gumagalaw. So, dun pa lang, natutuwa na ako,” pahayag ni Jolina.

Ang mister niya ang nag-alaga sa kanya noong pinag-bed rest muna siya ng doc.

Andi masama ang loob sa mga hindi naniniwala sa mga sinabi ni Billy

Nagulat na lang si Andi Eigenmann nang madawit ang name niya sa paghihiwalay nina Billy Crawford at Nikki Gil. Siya kasi ang tinuturong third party sa hiwalayan ng mag-sweetheart.

Nagkasama kasi sina Andi at Billy sa comedy film ng Viva Films na Oh My Mama Mia.

 â€œWala pong katotohanan ‘yun. Kami ni Billy, we worked together sa movie. ‘Tapos heto nadamay na ako sa nangyari sa kanila ni Nikki. I have nothing to do with it,” pagtatanggol ni Andi sa sarili.

Malinaw ngang nasabi na ni Billy sa interview niya na walang third party kaya nagtataka si Andi bakit biglang siya ang itinuturo na dahilan.

 â€œI feel bad. I have no idea what went on kasi I have nothing to do with their relationship. Sana tinanggap n’yo na lang kung anuman ‘yung sinabi niya and you respected his privacy or like respected what he said na hindi na nagdagdag ng kung ano pa,” diin pa ni Andi na busy sa kanyang pagbibida sa bagong Kapamilya teleserye na Galema.

Lea Michele hinandog ang Teen Choice award sa actor bf na namatay

Dumalo sa kagaganap lang na Teen Choice Awards ang star ng Glee na si Lea Michele dahil siya ang nanalong Choice TV Actress-Comedy.

Dedicated ni Lea ang kanyang trophy sa kanyang real-life boyfriend na si Cory Monteith na sumakabilang-buhay noong nakaraang buwan lamang.

“I wanted to dedicate this award to Cory. For all of you out there who loved and admired Cory as much as I did I promise that, with your love, we’re going to get through this together.

“He was very special to me, and also to the world, and we were very lucky to witness his incredible ta­lent, his handsome smile, and his beautiful, beautiful heart.

“So whether you knew him personally or just as Finn Hudson, Cory reached out and he became a part of all of our hearts — and that’s where he’ll stay forever, so thank you guys so much,” speech ng aktres.

Nanalo rin ang Glee bilang Choice TV Show-Comedy.

ANDI ANDI EIGENMANN BILLY CRAWFORD CORY MONTEITH FINN HUDSON JOLENS JOLINA MAGDANGAL LEA MICHELE MARK ESCUETA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with