Wowowillie lumabas na sinungaling Ethel booba kinontra ang mga sinabi ni Willie Revillame
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - April 4, 2013 - 12:00am

Mukhang wala nang balak si Ethel Booba na bumalik pa sa noontime show ng TV5 na Wowowillie dahil sobra na raw nalamatan ang pagkakaibigan nila ng TV host na si Willie Revillame.

Sa presscon ng bagong reality competition show ng TV5 na Boracay Bodies, nagsalita si Ethel sa mga nangyari sa kanilang dalawa ni Willie.

 â€œKahit anong mangyari mahal na mahal ko si Willie. Sobra lang sigurong lalim ng friendship namin kaya siguro naging kampante kami sa isa’t isa.

 â€œPero wala na, hindi na. Ma­labo na kaming magkabati nun,” diin ni Ethel.

Sa umpisa pa lang ay gusto nang umalis ni Ethel sa show ni Willie nang sabihan siya na ito ang dahilan ng dalawang beses nagkawala ng kuryente noong mag-premiere ang Wowowillie noong January 26.

 â€œSabi niya, ‘Malas ka talaga’. Nasaktan ako dun. Gusto ko siyang sapakin nun. Alam naman niya na madali akong mapikon at totoo ay madalas akong nao-offend sa mga biro niya. Halos everyday, umiiyak ako,” sabi ng sexy comedienne.

Hindi na raw nakatiis si Ethel noong sigawan daw siya at si Ate Gay ni Willie noong natalo silang dalawa sa costume contest ng show. Sa kuwento ni Willie ay pinasok daw siya ni Ethel sa dressing room niya at pinagtaasan siya ng boses.

 â€œHindi ko siya sinugod sa dressing room niya. Siya ’yung nagpunta sa dressing room namin. Wala pa nga siyang shirt nung pumasok siya.

 â€œAng sinabi ko lang sa kanya tungkol sa contest na ’yun eh kausapin niya si Ate Gay at umiiyak, nagtatampo sa result. Alam ’yan ni Ate Gay at ng ibang mga PA (personal assistant) doon. Nakita nila ang lahat ng pangyayari,” sabi ni Ethel.

Nadagdagan pa ang galit ni Ethel kay Willie nang pilitin siyang mag-comment sa sinabi nito na ginagaya niya ang ginawang production number ni Anne Curtis sa ASAP.

“Sabi niya, ‘Gusto mong gayahin si Anne Curtis? Gusto mo ring magpakita ng singit?’ So nasabi ko, ‘We’re talking about talent, not singit.’

“’Tapos nun pinutakte na ’ko sa text at Twitter ng fans ni Anne, nagagalit na sa kin. Nung sinabi ko sa kanya ‘yun, sabi niya sa ‘kin, ‘Sige, ’wag kang mag-alala, akong bahala, ipagtatanggol kita.’ Akala ko, totoong kaibigan ko siya.

“Iba pala ang sinabi niya. Babae ako, lalaki siya. Sana kahit konti ay nirespeto niya ako dahil magkaibigan kami,” saad pa ni Ethel.

Nakakatanggap si Ethel ng mga text mula sa ilang tauhan ni Willie na pinababalik siya sa show. Pero nakapagdesisyon na nga ito na hindi na babalik sa show ni Willie.

Kim Komatsu may iba na namang apelyido

Sinasanay na ng bida na ng upcoming afternoon telefantasya na Kakambal ni Eliana na si Kim Komatsu ang makilala siya sa bago niyang name na Kim Rodriguez. Napagdesisyunan ng GMA 7 na bigyan siya ng bagong screen name para mas matandaan nila ito.

Wala namang pagtatanggi si Kim dahil alam niyang ginagawa iyon ng Kapuso Network para na rin sa career niya.

“Okay lang naman po sa akin ang magpalit ng name. Kung sa ikabubuti po ng career natin, walang problema. Makakasanayan na rin ng marami ang bagong name ko. ’Yung family name ko lang naman ang binago. Kilala pa rin nila ako as Kim,” ngiti pa niya.

Bale ikalawang screen name na niya ang Kim Rodriguez. Ang tunay niyang name ay Kim Jerami Empasis Rebadulla.

Ang Komatsu ay pangalan ng kanyang Japanese father na hindi niya nakilala.

Lumaki si Kim sa kanyang lola na sumakabilang-buhay na noong 2011. Ang kanyang ina ay nasa Japan pa rin at nagtatrabaho kasama ang kanyang kapatid na nag-aaral doon.

Nakapag-taping na nga si Kim para sa pinagbibidahan niyang serye na magsisimula na sa April 15.

 

ANNE CURTIS ATE GAY ETHEL KIM KIM KOMATSU KIM RODRIGUEZ NIYA SIYA WILLIE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with