Live cook-off tinutukan

MANILA, Philippines - Wagi sa ratings ang MasterChef Pinoy Edition: The Live Cook-Off noong Sabado (Feb. 9) na itinanghal na kauna-unahang Pinoy MasterChef ng bansa ang Rakistang Kusinero ng Benguet na si JR Royol. Nagtala ng 19.2% na national TV rating ang grand finalé at pumasok bilang ika-lima sa pinakapinanood na programa sa araw na iyon. Pinataob nito ang kalabang programa na Sarap Diva (6.5%) at Maynila (7.8%) ng GMA. Pinangunahan ng host na si Judy Ann Santos-Agoncillo, pumatok ang tinaguriang kusina serye dahil itinampok dito hindi lamang ang galing sa pagluluto ng mga kalahok na kusinero at kusinera kundi pati na rin ang kanilang mga personal na kuwento, pagsubok, at pangarap sa buhay.

Show comments