Aktor sinu-suki na ang sexy actress na maging leading lady

MANILA, Philippines - Puntirya ng isang kilalang artistang lalaki ang sexy star na maging leading lady niya sa isang project na ini-offer sa kanya. Kahit mukha at katawan lang ang puhunan ng sexy star, malakas pa rin ang tama sa kanya ng mga may asawa, huh!

Ang sexy star din ang madalas kuning kapareha ng sikat na aktor. Kaya naman may tsismis na naglalabasan tungkol sa kanila. Pero tuwing nagsasama lang naman sila sa proyekto may tsismis.

Hindi namin mabatid kung ano ang motibo ng kilalang artistang lalaki upang piliin ang sexy star na makapareha niya. Eh lingid sa kaalaman ng marami, simpleng kumana ng babae ang artistang lalaki.

Angeline isinangtabi muna ng Kapamilya

Mukhang tinengga muna ng Channel 2 ang te­leserye ni Angeline Quinto. Agad-agad na tinanggal ang telecast date nito sa TV plugs hindi kagaya nung una itong inere na Jan. 21 ang target airing.

Nagpa-presscon na nga ang series pero biglang pumasok ang series tungkol sa mga bata eh hindi ito kasama sa listahan ng bagong shows ng Dos this month. ’Yun ang ilalabas next week bilang kapalit.

Eh sobrang lakas ng GMA afternoon drama ngayon kaya mapili ang Dos sa konsepto ng programang ihahandog sa tao. Kumpara kay Angeline, ’di hamak na mas may pruweba sina Carmina Villarroel at Vina Morales sa pagdadala ng show. Gayun pa man, kuwidaw pa rin sila sa Kapuso Network dahil master na nila ang gustong programa ng mga manonood sa hapon.

Kung tuluyang ilagay sa baul ang series ni Angeline, sanay na naman ang Channel 2 sa ganyang sitwasyon gaya ng ilan nilang shows na sinimulang gawin pero hindi inere kahit malalaki pang artista ang mga bida!

Heart kinausap ng GMA executives

Kinausap ng GMA executives si Heart Evangelista tungkol sa afternoon slot ng bago niyang programa na Forever. There was a time kasi na pang-primetime lang ang nasa kontrata niya pero kalaunan ay pumayag na rin siyang gumawa ng pang-hapon na drama sa network.

“Nakagawa na rin naman ako noon. Okay lang naman. Ang bottomline naman is ’yung magkaroon ako ng trabaho to save. Hahaha!” sabi ni Heart ng aming makausap.

Pero ngayong inilagay na ang period love story bago ang 24 Oras kapalit ng Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa na nasadlak sa pang-hapon, lalong natutuwa si Heart sa bagong development ng bago niyang show. Mapapanood na ang Forever ng boyfriend niyang si Sen. Chiz Escudero.

Show comments