Gerald walang pinagsisihan kahit walang napala kay Sarah, espesyal pa rin daw sa kanya
- Vinia Vivar (Pang-masa) - January 2, 2013 - 12:00am

Sa panayam kay Gerald Anderson sa The Buzz aired last Sunday, sinabi ng young actor na special pa naman si Sarah Geronimo sa kanya.

“Oo naman. Hindi magbabago ‘yun. Oo naman, oo naman. Kumbaga siyempre naman, siyempre naman. Sobra akong masaya sa mga pagkakataon na nakasama ko siya,” he said.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang panliligaw ni Gerald kay Sarah in 2012 pero ang mas lalong pinag-usapan ay ang pagtigil niya in pursuing the Pop Princess.

Pero ayon naman sa young actor ay wala siyang pinagsisisihan.

“I know na hindi siya nag-reach to its full potential pero ang saya ko, sobrang saya ko, sobrang privileged ako dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala siya,” sabi ng Kapamilya actor.

Idinagdag din ni Gerald na ang maging close kay Sarah ay isa sa pinakamasayang moments niya in 2012.

When asked kung strict ba ang pa­rents ni Sarah, sabi ni Gerald, ganun talaga. Siyempre, anak nila ’yun eh. Kumbaga, it’s only normal na maging ganun ‘yung reaction.

“Siguro naman totoo rin ‘yung sinasabi nila na there’s always a right time for everything. Ayaw mo ring pilitin. Pero ‘yung kay Mommy Divine, ‘yung dad ni Sarah, lahat, normal ‘yun,” sabi ni Gerald.

Kris gustong siguruhing no. 1 bago kumandidato

Ayon kay Kris Aquino, open naman siya sa po­si­bilidad ng pagpasok sa pulitika pero aniya may kondisyon siya para sa kanyang sarili.

“Yes, it’s obviously a career path, but I’ll only get into it if I know, Boy (Abunda), that I’ll be number one,” sabi niya sa host ng The Buzz.

Dagdag pa ng Queen of All Media, nakakahiya naman kasi kung hindi siya magna-No.1.

Pangalawa niyang kondisyon, kailangan na maging selfless na siya talaga at hindi na maluho. Kung pagiging pulitiko lang alone ay kaya naman niya.

“Kasi kaya ko naman talaga ’yung pakikitungo sa tao, pakikisama. ‘Yung sipag, I have that. I don’t have the simplicity yet. And I think to be a really good public servant, you need to be simple,” she said.

Well, hindi naman lingid sa publiko talaga ang maluhong lifestyle ni Kris lalo pa nga’t ipinanganak naman siyang mayaman talaga at bukod pa rito ay alam din natin kung gaano kalaki ang kinikita niya bilang artista. In fact, she’s one of our highest paid celebrity endorsers.

But come to think of it, kailangan din naman ng bansa natin ang pagkasosyal ni Kris in some other ways. Knowing her, for sure ay hindi niya gugustuhing matalbugan tayo ng ibang bansa kaya may feeling kaming kapag nabigyan siya ng posisyon, ang una niyang gagawin ay pagandahin ang ating bansa, ayusin ang mga pangit na kalye, pangit na airport, at gawing high-tech ang ’Pinas.

Just the thought na may isa tayong Kris Aquino sa politics, parang ang saya, ’di ba?

GERALD ANDERSON KRIS AQUINO KUMBAGA LSQUO MOMMY DIVINE NAMAN OO PERO SIYA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with