^

Male celeb hulugan ang iniregalong alahas sa kinababaliwang hindi sikat na artista

Jun Nardo (Pang-masa) - December 14, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Abot hanggang langit pa rin ang pagmamahal ng isang kilalang male celebrity sa isang hindi masyadong sikat na female celebrity. Umalingawngaw ang relasyon ng dalawa sa kasagsagan ng isyu kay male celeb.

Pansamantalang nanihimik ang ingay sa magkarelasyon. Pero tuloy pa rin daw ang pagmamahalan nila lalo na sa parte ng lalaki.

Nabalitaan kasi naming mamahalin  ang Christmas gift ni male celeb sa bagong ka-partner. Personal itong ipinagawa ng lalaki na tiyak ikatutuwa ni babae. Alahas ito na almost two hundred thousand pesos ang halaga!

Eh ganyan magmahal si male celeb na hindi alintana ang presyo ng regalo kesehodang installment ang bayad niya.

Kathryn at Dennis makikisakay na lang sa puwersa nina AiAi, Vice, at Kris

Dasal lahat nina Vice Ganda, Kris Aquino, at AiAi delas Alas na ang pelikula nilang Sisterakas ang maging number one sa takilya sa lahat ng entries sa film festival simula sa Dec. 25.

Kasama rin sa hilarious movie ni Wenn Deramas ang love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Maging sila ay confident na malakas sa takilya ang una nilang filmfest entry.

“Siyempre nakaka-proud maging part ng movie na ito. Confident kami sa kasama naming big stars talaga. Pero hopefully, huwag tayong mag-expect para magulat na lang,” rason naman ni Kathryn.

“Sila na po ang bahala. Kahit hindi na nila kami isali. Hahaha! Kami na ang bahala sa promotions,” saad naman ni Daniel kahit hindi sila gaanong napansin sa presscon ng Sisterakas.

Solenn itinatangging sosyal

Forbes girl si Solenn Heussaff pero aminado siyang hindi sosyal ang dating niya. Ang media nga lang ang nagbansag sa kanyang sosyal na ipinagtataka niya.

“Lumaki ako rito. ’Yung Forbes house dati pa na binabayad ng daddy ko, thirty years ago. Hindi naman pareho ’yung presyo ngayon,” sambit ni Solenn na nasa filmfest entry na Sosy Problems ng GMA Films.

Bago raw kasi nalipat sa Forbes Village sa Makati City, tumira ang pamilya niya sa Parañaque, at sa Bel Air Village at Dasmariñas Village sa Makati rin dahil sa pagtatrabaho ng father niya. Kung sosyal-sosyal ang dating ni Solenn sa filmfest entry nila, sa ipalalabas na movie niyang Seduction with Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, magpapasilip siyang muli ng kanyang alindog sa pagbabalik-direksiyon ni Peque Gallaga.

BEL AIR VILLAGE DANIEL PADILLA FORBES VILLAGE KATHRYN KATHRYN BERNARDO KRIS AQUINO MAKATI CITY PEQUE GALLAGA PERO SOLENN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with