Sa rami ng fans at naging mabait: Mario Maurer gagawan uli ng project ng Star Cinema
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - November 9, 2012 - 12:00am

Don’t look now, but Star Cinema might just cook up another project for Thai Superstar Mario Maurer due to his following sa Pilipinas na nagka-clamor ng isa pang pelikula, kung hindi man TV show daw, with another Star Magic talent.

Naging napakaganda nga naman ng reception ng publiko sa kanyang unang pelikula sa Star Cinema, ang Suddenly It’s Magic, co-starring him with Erich Gonzales. Rory Quintos directed the movie.

Kilig to the bones daw, lalo’t ang mga teenager na nakapanood ng pelikula. Parang Filipino star daw si Mario, sa looks (para siyang pinaghalong the late Rico Yan at JM de Guzman, ’di ba?) at acting.

At napaka-clean cut ng binata.

Ayon sa isang local na tagahanga niya, nagsimula niyang hangaan si Mario nang mapanood niya ito sa Crazy Little Thing Called Love na ipinalabas sa mga sinehan dito sa Pilipinas.

Weeks before naman ipinalabas ang Suddenly It’s Magic ay na-feature uli ang Crazy Little… sa ABS-CBN.

Naging close si Mario habang sinu-shooting niya ang Suddenly…. ’di lang kina Erich at Direk Rory kung hindi sa iba pang cast tulad nina Joross Gamboa, Dinky Doo, Kakai Bautista, Joy Viado, at Ces Quesada.

“Madali kasing pakisamahan ang batang ’yan,” sabi ni Ces, the oldest na maituturing in the cast. “Dahil mabait at marunong ding makisama.”

Daiana Menezes karay-karay ang BF na congressman

Ginanap ang celebration ng katatapos na birthday ng much-liked executive ng APT Entertainment, producer ng Eat Bulaga, si Malou Choa-Fagar, sa Imperial Palace, where she and her group, the Wednesday Club, meet every Wednesday.

Ganun man dahil sa rami ng bisita ni Malou, sa dalawang lugar ng Imperial Palace siya nag-entertain ng guests.

Parehong sa Penthouse ng Imperial Palace gina­nap ang party. Iyon nga lang, one of the venues ay ang lounge sa tabi ng swimming pool and the other one, the newly added lounge for the VIPs.

We won’t tell you which lounge we were assigned to go to basta ang nakasama namin ay kinabibilangan ng mag-asawang Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa, mag-inang Susan Roces at Grace Poe-Llamanzares, mga fellow PAMI (Professional Artist Managers, Inc.) officers and members Dolor Guevarra, Shirley Kuan, at June Rufino, scriptwriter Jake Tordesillas, book author-movie and TV scriptwriter Bibeth Orteza, at Star Studio mag star member Francis Simeon. Later, Maricel Soriano, Ricky Davao, Veana Fores joined our group, too.

Kaya na-miss namin ang iba pang maraming bisita ni Malou sa “kabilang lugar”.

Tuloy, ’di namin nakita ang pagdating ng Brazillian na si Daiana Menezes, who appears both in films at TV (at endorser din of some Filipino products) na diumano’y bitbit ang bagong boyfriend, isang congressman from Cagayan de Oro, na ang name ay Benjo Benaldo.

Usap-usapan na wedding bells will soon ring for the two, isang topic na nari­nig din namin minsan tungkol kay Daiana nang sila pa ng direktor na si GB Sampedro.

Dating boyfriend din itong si Direk GB ng ko­medyanteng si Candy Pangi­linan but their pagma­mahalan, as we all know, failed to prosper. Kung sa anong kadahilanan, walang nagka-interes sa karamihan na makaalam.

Sa ngayon, quiet ang tungkol sa love life ng direktor na sabihin na nating medyo naging controversial ang namagitang paghihiwalay sa kanila ni Daiana.

We have to admit na impressed kami sa dalagang Brazilian when first we met her sa presscon na organized ni Diana Stalder, may-ari ng Dermaline, dis­tributor of a line of cosmetics. Ginulat ni Daiana ang nabanggit na presscon when Carl Guevarra, contract talent ng GMA 7, arrived. Obviously para sunduin siya.

In fairness to Daiana, she introduced Carl to us as her boyfriend then.

Well, from actor to director, then to a politician? Not bad, ’di ba naman?

Well, going back to Malou, we heard she is leaving with the Eat Bulaga group for a performance in London, England. As usual, Malou will have some members of her Wednesday Club join her in the trip.

 

DAIANA DAIANA MENEZES EAT BULAGA IMPERIAL PALACE MALOU MARIO STAR CINEMA SUDDENLY IT WEDNESDAY CLUB
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with