^

Punto Mo

Ginger (75)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI pa alam ng mama ni Ginger ang nangyari sa asawa. At iyon ang problema ni Ginger ngayon. Baka may mangyari sa mama nito kapag nalamang namatay na ang asawa.

“May sakit din sa puso si Mama, Anton. Paano ko sasabihin sa kanya ang nangyari kay Papa.’’

‘‘Tutulungan kitang magpaliwanag, Ginger. Huwag kang mag-worry. Tatagan mo ang loob mo. Kapag nakita ng mama mo na pati ikaw ay apektado baka panghinaan din siya ng loob. Kaya ipanatag mo ang iyong loob mo at ipagdasal na matanggap nang maluwag ng mama mo ang nangyari.’’

Tumigil sa pag-iyak si Ginger. Nawala ang alalahanin sa mga sinabi ni Anton.

‘‘Anong oras tayo pupunta sa bahayu n’yo Ginger?’’

“Hihintayin ko lang na makuha ng brother ko ang death certificate ni Papa. Mga 1:00 p.m. baka narito na ang kapatid ko. Pagkatapos saka pa lang dadalhin si Papa sa punerarya.’’

Tiningnan ni Anton ang oras sa wall clock. Mag-aalas dose na ng tanghali.

“Kumain muna tayo. Halika sa canteen.’’

“Hindi ako nagugutom, Anton.’’

“Baka malipasan ka ng gutom. Kahit kaunti, kumain ka. Baka magkasakit ka.’’

Pumayag si Ginger.

Nagtungo sila sa cafeteria ng ospital.

Baked macaroni lang inorder ni Ginger. Kay Anton ay kanin at nilagang baka.

Hindi naubos ni Ginger ang inorder. Wala talagang gana.

Pagkatapos kumain ay nagbalik na sila sa waiting room ng ospital.

Eksaktong ala una ng hapon, dumating ang kapatid ni Ginger. Aasikasuhin na nito ang pagdadala sa bangkay ng ama sa pune­rarya. Sila naman ni Ginger ay nagtungo na sa bahay nito para ipaalam sa ina ang nangyari.

Habang nasa kotse ay wala silang imikan.

Nang dumating sila sa bahay, hindi na pala nila dapat sabihin ang nangyari sapagkat alam na ng mama ni Ginger ang nangyari. Tahimik lamang ito nang dumating sila. Mas matatag pala ang mama ni Ginger.

‘‘Nang dalhin sa ospital kaninang umaga ang papa ni Ginger, alam ko, iyon na ang huli naming pagkikita. Malakas ang kutob. Kaya tanggap ko na ang nangyari.’’

Humanga si  Anton sa mama ni Ginger.

‘‘Nakikiramay po ako,’’ sabi niya. (Itutuloy)

vuukle comment

GINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with