^

Punto Mo

Matutong mabuhay o masanay na sa COVID?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

“LEARN to Live” sabi ng Department of Health (DOH) official nang ipahayag niya noong nakaraang linggo na dapat nang matutunan ng mga Pilipino na mabuhay kasama ang COVID-19 dahil hindi ito ganap na mapupuksa. Kailangan anyang umasa ang publiko sa bakuna para mapangalagaan ang kanilang sarili sa laban sa sakit na ito at patuloy na sumunod sa health protocol tulad ng pagsusuot ng face mask.

Pero marahil mas mainam sabihing dapat nang masanay ang mga Pilipino sa COVID. Matagal nang sinasabi ng  ibang mga dalubhasa na, kahit magkaroon ng herd immunity o makontrol nang tuluyan ang pagkalat ng COVID, mananatili na ito sa ating kapaligiran. Darating ang panahon na matutulad na lang ito sa trangkaso.

“Alam din po natin na pang matagalan po ang sakit na ito na hindi naman po talaga basta-basta mawawala,” sabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ang pamumuhay kasama ng COVID, ayon sa mga health expert, ay isang pagkilala na imposibleng ganap na masugpo ang SARS-CoV-2 na mapapasama na lang sa listahan ng ibang karaniwang mga virus. Ang SARS-Cov-2 ay isang strain ng coronavirus na nagdudulot ng COVID.

Malaking tulong ang mga naglabasang bakuna at ang pagpapaturok dito ng milyun-milyong katao dahil nakokontrol na ang pagkalat ng naturang virus. Bumaba ang bilang ng mga kaso at kung nagkakaroon ng bagong mga kaso ay kokonti na lang.

Bagaman meron nang ginagawang first dose, second dose at meron pang mga booster shot, hindi pa rin malinaw ang itatagal ng bisa ng mga bakunang ito. Gaano katagal? Tatlong buwan? Walong buwan? Isang taon? Pinag-aaralan at iniimbestigahan pa ng mga dalubhasa ang mga bagay na ito.

Napapatunayan namang epektibo ang naglalabasang mga bakuna na nagawang malikha sa loob ng maikling panahon kahit pa sinasabing inaabot ng 10 taon o 20 taon bago malikha ang isang epektibong bakuna na nangyari sa ibang mga bakuna laban sa ibang mga sakit.

Hindi na nagiging isyu kung anong brand ang mas mabisa- Moderna ba? Astra Zeneca? Sinovac?  Pfizer? Johnson&Johnson? O ang iba pang mga bakuna laban sa COVID? Pero lahat naman sila ay lumilitaw na mabisa dahil bumaba naman ang mga kaso ng COVID at hindi na nagsisikip sa mga pasyente ang mga ospital.

Hindi nga nangyari ang pangamba na baka muling tumaas ang bilang ng  mga magkakasakit ng COVID na tulad ng nangyari noong unang taon ng pandemya dahil sa naganap na katatapos na eleksyon na libu-libong mga katao ang hindi maiwasang nagtipon-tipon sa mga kampanya ng mga kandidato noon.

Bagaman meron nang isinasagawang booster shot (first at second) sa mga bakuna, nanatili pa ring kuwestiyon kung hanggang kailan ang bisa ng mga ito. Tulad ba ito ng ibang bakuna na habambuhay ang bisa o kailangan ang pana-panahong pagapainiksiyon dito?

Ayon sa Healthline, hindi simple ang sagot sa naturang mga katanungan at patuloy pa itong iniimbestigahan kasama ng ibang mga factors tulad ng bilang ng mga kalahok, panahon ng pag-aaral at kalusugan ng mga kalahok na umaapekto sa resulta ng pananaliksik.

Samantala, habang wala pang katiyakan ang lahat, patuloy ang pagsusuot ng face mask.

 

Email: [email protected]

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with