^

Punto Mo

Parusa sa agri smugglers isagad ni BBM!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

GINAWA ni President Digong ang lahat ng paraan sa pagsugpo ng drug smuggling pero pilit pa ring sumubok ang ilang matitigas ang ulo. Natimbog naman. Kaya lang, nasakripisyo naman hanggang humantong sa pagkakasibak kina BOC Commissioners Nicanor Faeldon at Isidro Lapeña at ilang kawani ng tanggapan.

Naging kontrobersiyal ang mga sumunod na ­usapin ng drug smuggling na humantong ang im­bestigasyon sa kongreso at senado. May mga brokers na nakulong dahil hindi naniwala ang ilang senador sa alibi nila na hindi sila kakutsaba ng smugglers.

Lumutang din ang “tara system” sa mga departamento ng BOC na dinadaanan ng pagpoproseso ng mga dokumento. Bilyones ang involve sa tara system at imposibleng hindi makasali sa partehan ang commissioner, deputy commissioner, service directors, district collectors, division chiefs at law enforcers. Hindi pa kasali ang mga “hao-shiao” na pakawala nila para mangolekta ng tara. 

Mainit na usapin ngayon ang smuggling ng sibuyas, bawang at iba pang mamahaling gulay. Ito ang dahilan sa pagbagsak ng agricultural industry ng bansa at maraming magsasaka ang nagugutom. Nakikipagsabwatan ang smugglers sa mga taga-BOC at Department of Agriculture. Malaking krimen po ito!

Maraming paraan kung papaano manlinlang ang smugglers. Pangkaraniwan na ang pag-recycle ng import permits at paggamit sa lehitimong kooperatiba. May mga sinasadya talagang isalya sa misdeclaration of contents, value and quantity na may parusang pag-ilit ng gobyerno sa importasyon kapag nasakote. Mga taga-law division na ang kakausapin nila. Aareglo ka? Di subukan mo sa panahon ni BBM.

Makapagpakulong kaya si BBM ng smugglers at kakutsabang opisyales ng BOC at Department of Agriculture? Abangan!

vuukle comment

SMUGGLERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with