^

Punto Mo

Ginger (66)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

GULAT na gulat si Marie nang malaman na may relasyon na sina Anton at Ginger. Dinalaw nila si Marie sa bahay ng mga magulang nito.

“Sabi ko na nga ba at sa pag-iibigan mahahantong ang lahat,’’ sabi ni Marie na halatang natutuwa sa relasyon ng dalawa. ‘‘Hangad ko ang walang katapusang pagsasama n’yong dalawa.’’

‘‘Salamat Marie,’’ sabi ni Ginger. ‘‘Pero ikaw pa lang nakaaalam nito.’’

“Bakit naman Ginger?’’

“Ayaw kong mapag-usapan kami ni Anton sa opisina. Lalo pa’t sa opis niay ako naka-assign. Ayaw kong may masabi sila. Allergic ako sa mga comment.’’

“Pero wala namang masama dahil pareho kayo single at nagmamahalan. Palagay ko walang dapat ipaglihim.’’

“’Yan din ang sinabi ko kay Ginger, Marie—wala namang masama sa relasyon namin,’’ sabi ni Anton.

‘‘Saka na lang natin ipaalam sa kanila. Huwag muna ngayon,’’ sabi ni Ginger.

Napatango na lang sina Anton at Marie.

Maya-maya, nakita nila ang paglapit ng mama ni Marie habang karga ang anak ni Marie o ang apo. Lutang na lutang na ang kaguwapauhan ng baby kahit magdadalawang buwan pa lang.

‘‘Baka nakakalimutan ninyong dalawa na kayo ang ninong at ninang ng anak ko. Wala akong ibang kukunin kundi kayong dalawa lang.’’

“Aprub!’’ sabi ni Anton.

‘‘Kailan ba baptism ni Baby?’’ tanong ni Ginger.

“Kapag nag-one year na siya.’’

MINSAN kumain sa isang seafood restaurant sina Anton at Ginger. Asikasung-asikaso ni Anton si Ginger. Pinaghimay pa ng alimasag. Maligayang maligaya si Ginger.

“Ako ba ang first BF mo Ginger?’’

“Oo. At sana ikaw ang una at huli, Anton.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

GINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with