^

Punto Mo

Mabuti na ang ­nag-iisip kaysa naman huramentado!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

PINUTAKTI ng intriga si Bongbong Marcos dahil hindi nagpaunlak sa imbitasyon ni broadcast journalist Jessica Soho para sa sabayang interview sa presidentiables at tanging sina Isko Moreno, Leni Robredo, Ping Lacson at Manny Pacquiao lamang ang nagpaunlak. Bakit naman hindi kasali sa imbitasyon ang lima pang kandidato na pumasa sa qualifications ng Comelec? May diskriminasyon din kung ganun!

May mga pumuputak na kesyo “duwag”  daw si Bongbong at natatakot matanong sa isyu ng pagnanakaw at disqualifications. Kung totoo man na umiiwas si Bongbong, hindi siguro matatawag na karuwagan ang lahat kundi umiiwas lang na pag-usapan ang hanggang ngayon ay nililitis pang mga usapin. Ano naman ang puwedeng itawag sa nangungulelat na kandidato na imbitado ni Jessica? Huramentado ba? He-he!

Naging tampulan na naman ng tukso si Leni Robredo dahil sa mga naging sagot nito sa interview at ang ginawang kapuri-puri ay si Isko Moreno dahil tugma ang mga isinagot nito sa mga tanong ni Jessica. Ano naman ang nangyari kay Manny Pacquiao at Ping Lacson na nasa hanay na makukulelat? Waley lang. Ha-ha-ha!

Kung pagbabatayan ang kalagayan ayon sa mga survey, nananatili ang pangunguna ni Bongbong sa hanay ng mga kalaban nito at maaring maging sentro nang itatanong dito ay may kinalaman sa mga negatibong isyu na malaon nang ipinupukol sa kanya kaya posibleng ang magiging sagot ay hindi rin naman matatanggap ng mga kalaban, kaya ano pa nga naman ang silbi ng interview kung ang makikinabang ay mga kalaban?  Magagaling lang talaga ang handlers ni Bongbong. Sa totoo lang, di ba Tekla?

Hindi rin naman dapat paratangan si Jessica na “bias” dahil trabaho niya ang mangalap ng napapanahong mga isyu, lalo na sa pulitika dahil panahon talaga ngayon ng halukayan ng pagkatao ng kandidato. Pero kung ang gustong malaman ng tao ay kung ano ang mga programa at plataporma ng kandidato, hintayin nila ang pagtatalumpati ng bawat kandidato na walang mamamagitang intrigero. Ayos di ba?

Abangan natin ang susunod na kabanata ng maintrigang pulitika sa bayan ni Juan!

vuukle comment

PING LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with