^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (58)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

‘‘PANGSIYAM si Leonor, Manedyer di ba?’’ tanong ni Bino at inalala ang mga babaing nakarelasyon ni Reagan sa Saudi.

‘‘Oo, Bino. Pang-number nine si Leonor.’’

“Ano naman ang kuwento ni Leonor, Manedyer?’’

“Nakilala ko si Leonor nang magtungo ako sa isang go-vernment hospital na nasa Airport Road. Malapit lang ang ospital sa pinagtatrabahuhan ko. Mga fifteen minutes walk lang.

“Nagtungo ako sa ospital para dalawin ang aking pinsan na naka-confine dun. Nahulog sa poste ng telepono ang aking pinsan. Lineman kasi siya at masama ang bagsak. Nadale ang gulugod pero buhay naman. Kailangan lang nang mahabang gamutan.

“Dahil malaki ang ospital, naligaw ako sa loob. Kung saan-saan ako nakarating at hindi ko matagpuan ang room ng aking pinsan. Hindi ko alam kung bakit para akong nawala sa sarili at paikut-ikot ako sa loob ng ospital at hindi ko makita ang room na kinaroroonan ng aking pinsan.

“Ang ginawa ko ay nagpahinga lang muna ako sa isang bahagi ng ospital dahil hilong talilong na talaga ako. Naupo ako sa visitor’s lounge. Nagpahinga ako ng mga limang minuto at pinag-aralan kung saan ako dapat lumabas. Pero kahit pinag-aralan ko, pakiramdam ko’y parang ayaw pumasok sa isip ko. Para bang may gumugulo.

“Nang lumabas ako sa visitor’s lounge, ay saka ko nakita ang isang Pinay na naglalakad sa pasilyo. Nabuhayan ako ng loob dahil Pinay ang mapagtatanungan ko.

“Nilapitan ko ang Pinay. Binati ko muna siya. Tinanong ko kung nasaan ang room no. 513. Hindi ko makita. Kanina pa ako paikut-ikot. Sagot ng babae, dinaaanan ko na raw ang room na hinahanap ko. At itinuro niya ang Room No. 513. Katabi ng visitors lounge na pinasukan ko. Sabi ko e kanina pa ako rito pero hindi ko makita. Nagtawa ang babae. Sabi niya, talaga raw may tikbalang sa ospital na ito. Marami nang nailigaw. Shock ako. Hindi ko alam kung nagbibiro ang babae pero malakas ang kutob ko na maaring totoo nga na may tikbalang na nagliligaw sa mga pumupuntang tao para dumalaw. Sinamahan ako ng babae sa Room 513 para hindi na raw ako maligaw.

“Nagpasalamat ako sa babae na nagpakilalang si Leonor. Supervisor daw siya sa hospital supply. Hindi matapus-tapos ang pasasalamat ko kay Leonor. Kundi dahil sa kanya ay baka hindi ko nakita ang room.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with