^

Punto Mo

Empleyadong walang pinirmahang employment contract, regular na ba sa trabaho?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Higit anim na buwan po ako sa bago kong trabaho at may nakapagsabi na rin po sa akin na tapos na raw ang probationary period ko. Ang ipinagtataka ko lang ay wala pa po akong pinipirmahang employment contract na nagsasabing regular na empleyado na ako. Paano po ‘yun? — Emma

Dear Emma,

Sa ilalim ng Labor Code, hindi dapat lalagpas sa 180 araw o anim na buwan ang probationary period para sa isang bagong hire na empleyado, bukod na lang kung may napagkasunduan ang employer at ng empleyado na magtakda  ng higit sa nabanggit na panahon.

Kapag hinayaan ang isang probationary employee na magtrabaho matapos ang panahon para sa probationary period, ipagpapalagay na siyang regular employee sa ilalim ng batas, may pinirmahan man siyang employment contract o wala.

Sa sitwasyon mo ay regular employee na dapat ang status ng iyong employment kung talagang anim na buwan lang iyong probationary period at wala kayong napagkasunduan ng employer mo na mas matagal na panahon para rito.

Hindi mo na kailangang pumirma ng kontratang nagsasabing regular na empleyado ka dahil automatic nang ipinagkakaloob ang status ng pagiging regular employee sa mga empleyadong hinayaang magpatuloy sa kanilang trabaho matapos ang kanilang probationary period.

Pero siyempre, mas maganda pa rin na may written na employment contract na hawak ka para malinaw sa iyo kung ano ang mga benepisyo mo sa ilalim ng polisiya ng iyong kompanya.

Mahalaga rin na malaman mo na ang mga nabanggit ko ay angkop­ lamang para sa mga direct hire ng isang employer. Labas sa usapan ang mga empleyado na nasa ilalim ng isang agency dahil iba ang mga applicable na batas at patakaran para sa kanila ukol sa usapin ng pagkakaroon ng regular employee status.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with