^

Police Metro

Sa katapusan ng Hulyo arawang kaso ng COVID-19 aabot sa higit 22K

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kung magpapatuloy ang trend sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 at pagbaba sa pagsunod ng mga Pinoy sa minimum public health standards (MPHS) ay may posibilidad na uma­bot sa 22,187 ang arawang kaso sa Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Department of Health (DOH).

Sa projection ng FASS­TER (Feasibility­ Analysis of Syndromic­ Surveillance Using Spa­tio-Temporal Epi­­­­de­­mio­­logical Modeler) sa Hulyo 31 ay maaaring­ uma­bot sa 12,451 (lower bound), 17,105 (baseline) at 22,187 (upper bound) ang arawang kaso ng COVID-19.

Sa projection naman sa pagsapit ng Hulyo 15, maaaring umabot sa 3,287 (lower bound), 4,606 (baseline) at 5,362 (upper bound) ang mga arawang kaso.

Sa National Capital­ Region (NCR), kung mag-uumpisa na ang mga klase sa mga paaralan sa Agosto, inaasahang aakyat ang bilang ng mga kaso mula sa kalagitnaan ng Hulyo at magpi-peak sa kalagitnaan ng Setyembre.  

Ngunit mananatili pa rin umano ito na mas mababa kumpara sa Omicron peak noong Enero kung wala nang bagong “variants of concern” ang susulpot.

Isinagawa ang mga projections base sa pagpapalagay na lalo pang tataas ang galaw ng publiko, mas bababa pa ang pagsunod sa MPHS at kung patuloy na magiging mababa ang pagpapabakuna ng booster shot.

Nitong Hunyo 26, nakapagtala lamang ng 848 na bagong kaso sa buong bansa. Mula Hunyo 20-26, nakapagtala ng 4,634 bagong kaso o average na 662 kada araw.

Sa kabila ng inaasa­hang mga pagtataas, mananatili namang mababa umano ang healthcare utilization kaya hinikayat pa ng DOH ang publiko na magpa-booster na upang madugtungan ang bisa ng primary series ng bakuna.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with