^

Police Metro

RT-PCR Test sa biyaherong bakunado, inalis na

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Simula Mayo 30 ay hindi na kailangang­ magpresenta ng negatibong resulta ng reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test ang mga biyaherong Pinoy at banyaga na papasok sa Pilipinas.

Ayon kay acting De­puty Presidential Spokesperson at Communications Undersecretary Michel Kristian Ablan, ang bagong panuntunan ay nakapaloob sa resolusyong inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Ma­nagement of Emerging Infectious Diseases.

 Sa ilalim ng Resolution 168 ng IATF, ang mga papasok na biyahero sa bansa ay hindi na hihingan ng resulta ng RT-PCR test sa kondisyon na sila ay 18 taong gulang pataas at naturukan ng kahit isang booster shot laban sa COVID-19.

Hindi rin hiningan ng pre-departure RT-PCR requirement ang mga edad 12 hanggang 17 taong gulang na nakatanggap na ng dalawang COVID-19 vaccine shots at mga bata na wala pang 12 taong gulang na kasama ng isang fully vaccinated o boosted parents o guardians.

Tinanggal na rin ng IATF sa pinakahuling reso­lusyon ang travel insurance requirement para sa mga papasok na biyahero.

Nauna rito, maaari lamang makapasok sa Pinas ang mga biyahero na may travel insurance para sa Covid-19 treatment na ang minimum coverage ay USD35,000 para sa panahon na nanatili sila sa bansa.

vuukle comment

IATF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with