^

Police Metro

Robin, ‘di nakatiis sa pamilya   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Robin, �di nakatiis sa pamilya            

Hindi na nakatiis si Senator-elect Robin Padilla at sinundan na sa Spain ang asawang si Mariel Padilla at ang kanilang dalawang anak.

Matatandaang lumipad patungong Spain si Mariel with their daughters Isabella and Gabriela pagkatapos ng eleksyon para magbakasyon. Naiwan si Robin sa Pinas since kailangan niya siyempreng tapusin ang resulta ng bilangan.

Sa kanyang Instagram last Tuesday ay bigla na lang nanggulat si Mariel sa kanyang post na nasa Spain na rin ang mister.

Makikita sa larawan na kumpleto na silang mag-anak at aniya sa caption, “Hola we are complete.”

Sa comment section ay masayang-masaya rin ang mga kaibigang celebrities ng mag-asawa na reunited na silang mag-anak.

Sanya at Jak, nagluluksa

Nagdadalamhati ngayon ang magkapatid na Sanya Lopez at Jak Roberto sa pagpanaw ng alaga nilang aso na si Jong Jong.

Sa kanyang Instagram page ay ipinaalam ng lead actress ng seryeng First Lady ang malungkot na balita.

Nag-post si Sanya ng larawan nila ng kanilang aso at sa caption ay ramdam na ramdam mo ang kanyang kalungkutan.

 “Wala nang manonood sa ’kin at iki-kiss ako ‘pag umiiyak ako. I love you so much, Jong Jong.

“Sobrang sakit na mawala ka sa ’min. Thank you sa panahon na pinahiram ka sa’min para pasayahin kami,” ang madamdaming caption ni Sanya.

Nagpasalamat din si Sanya sa yumaong alagang aso na nagpasaya sa kanya ng maraming taon.

“You will always be in our hearts Jong Jong. Salamat sa pagtanggal mo ng stress sa amin tuwing pagod kami sa trabaho at sa pagpapasaya sa amin kapag malungkot kami.

“Run free Jong Jong! We will miss you! We love you Jong Jong,” ang mensahe ng hunk actor sa alaga nilang aso.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with