^

Police Metro

Pagtatrabaho ng mga nars sa abroad pinangangambahang maubos

Danilo Garcia - Pang-masa
Pagtatrabaho ng mga nars sa abroad pinangangambahang maubos
Ayon kay PGH spokesperson Dr. Jose Jonas Del Rosario, posibleng ma­rami sa kanilang healthcare workers na karamihan ay mga skilled ang mag-resign para sa mas magandang kompensasyon sa ibayong dagat.
Jay Directo / AFP

MANILA, Philippines — Sa gitna ng pagbubukas ng mga opor­tunidad sa iba’t ibang bansa ay pina­nga­ngambahan ng Philippine General Hos­pital (PGH) na maubos ang mga nars sa Pilipinas.

Ayon kay PGH spokesperson Dr. Jose Jonas Del Rosario, posibleng ma­rami sa kanilang healthcare workers na karamihan ay mga skilled ang mag-resign para sa mas magandang kompensasyon sa ibayong dagat.

Upang agad namang matugunan ang mga inaasahan nilang vacancies, sinabi ni Del Rosario na sinisimulan na rin nila ang recruitment ng mga bagong staff.

“Iyon po ang aming problema. In fact, ang PGH po ay nananawagan sa mga nurses na mag-apply po. Marami po kaming bakante ngayon. Hindi lang sa ICU or operating room, pati sa mga ward. They’re actively recruiting para habang medyo may kaunting katahimikan ay ma­dagdagan bago dumating, kung sakali lang, magkaroon ng surge.

Kahit bago lang, willing kami mag-train sa kanila basta mag-apply sila sa PGH,” paliwanag ni Del Rosario. Sa ngayon, kabilang na rin ang Taiwan at Saudi Arabia sa talaan ng mga bansang pinayagan ang OFW deployment.

vuukle comment

NURSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with