Crackdown sa e-sabong, paiigtingin — PNP
MANILA, Philippines — Paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang crackdown laban sa e-sabong matapos na iulat ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na may ilang online sabong sites ang iligal na nag-o-operate pa rin.
Ito ang sinabi ni Director for Operations Major General Valeriano de Leon alinsunod sa direktiba ni PNP Officer in Charge Police Lieutenant General Vicente Danao Jr., at naglabas na sila ng kautusan sa lahat ng unit commanders para sa pagpapaigting ng kampanya kontra sa e-sabong.
Ayon kay De Leon makikipagkoordinasyon ang PNP sa PAGCOR para matukoy ang mga iligal na e-sabong websites tulad ng pinassabong.live; pclive1.com; sabong-express.net; phbetting.live; goperya.com; phbet44.bet; phbet.bet at phbetr.bet.
- Latest