^

Police Metro

Vaccination efforts ng gobyerno bumagal

Gemma Garcia - Pang-masa

Dahil sa hagupit ng ‘Odette’ at Halalan 2022…

MANILA, Philippines — “External factors” ang dahilan kung bakit naging matamlay ang ­COVID-19 vaccination efforts ng pamahalaan.

Ito ang inamin ni vaccine czar Carlito Galvez matapos unang iniulat ng World Bank na matamlay ang immunization rate sa bansa.

Ani Galvez, habang nananatiling committed ang pamahalaan na bakunahan ang lahat ng mga Filipino laban sa coronavirus, ang naging pananalasa ng bagyong Odette at ang nalalapit na halalan sa Mayo ay naglimita sa kakayahan na ma-maximize ang partnerships sa iba’t ibang sektor.

Mahigit isang buwan matapos manalasa ang bagyong Odette sa bansa ay patuloy pa ring nagdurusa ang ilang rehiyon dahil sa matinding epekto na iniwan ng nasabing bagyo.

“The typhoon struck six regions in the country, all of which were starting to ramp up their vaccination throughput. However, LGUs were forced to temporarily suspend their vaccination rollout in order to respond to the immediate needs of their constituents such as food, medicine, and shelters,” ayon sa isang kalatas.

“Government officials seeking a win in this year’s elections are also affecting the nationwide vaccination drive,” dagdag na pahayag ni Galvez.

Ipinagtanggol naman nito ang pagsisikap ng pamahalaan at  binigyang diin na nahaharap ang bansa sa logistical challenges sa kabila ng unique geographical landscape ng Pilipinas.

Sa ulat, sinabi ng World Bank na ang biglang pagsipa paitaas ng kaso ng COVID- 19 ay dahil sa pinataas na paggalaw ng mga mamamayan sa panahon ng holiday season.

Sinabi naman ni Galvez na ang palaging tugon ng pamahalaan ay “kailangan na balanse ang public health at ekonomiya.”

Kumpiyansa naman si Galvez na makakaya ng pamahalaan na gawing fully vaccinated ang 77 milyong Filipino “within this quarter” at makapagbigay ng booster shots sa mahigit 72 milyon.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with