^

Police Metro

18 pagyanig naitala sa Bulkang Kanlaon

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang ilang aktibidad sa Bulkang Kanlaon sa Negros Island.

Base sa abiso, bandang alas-10:30 ng ­umaga kahapon ay nakapagtala ng 18 volcanic earthquakes ang Kanlaon Volcano Network (KVN) sa nakalipas na 24 oras.

Kabilang sa nabanggit na aktibidad ang apat na mababaw na tornillo signals na may kaugnayan sa magmatic gas movement sa bahagi ng upper volcanic slopes.

Nakapagtala rin ng hanggang 200 metro lamang ang inabot ng low steam-laden plumes ng bulkan.

Sa kabila ng dagdag na aktibidad, nananatili pa rin sa Alert Level 1 o nasa abnormal condition ang Bulkang Kanlaon.

Patuloy na pinapayuhan ang mga lokal na pamahalaan at ang publiko na bawal ang pagpasok sa apat na kilometrong radius ng Permanent Danger Zone (PDZ) at ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.

vuukle comment

PHIVOLCS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with